Page 26

12 2 0
                                    

[Date: December 2, 2019]

Hindi na nagtanong pa si Jorge kung bakit iba na naman ang suot niyang damit nang siya ay magising. Nakuntento na siya sa sagot ni Rain bago ito umalis ng unit na naging siya raw ang karakter na si Genevive nang nakaraang gabi.

Ang natatandaan lamang ni Jorge noong gabing iyon ay dapat iinumin na nila ni Rain ang alak sa ni-request nitong mini sampler, maliban doon wala na. "Dahil malamang si Genevive ang nakasama niya nang gabing iyon."

Pagkaisip n'on, may kutob na naramdaman si Jorge na naalala ang eksena pagkatapos mag-inuman ni Genevive at ni John Lester sa kanyang isinulat na kwento na maaring nangyari sa kanila kagabi. "Hindi kaya nag-sex din sila—kami?"

Sinuri ni Jorge ang kanyang katawan kung mayroon iyong pasa o kung mayroon siyang marka ng halik sa leeg, pero wala siyang nahanap at wala rin siyang naramdamang masakit lalo na sa maselang parte ng kanyang katawan. "Siguro hindi rin, kasi nakakalakad pa ako."

Pinagtawanan na lamang ni Jorge ang sarili sa mga mga naiisip habang nililibot ang kwarto ng kaibigan. "Hay! Jorge huwag kang assuming! Lalaki kaya ang tipo no'ng maka-one night stand! Hindi ang transexual na kagaya mo! Bisexual siya at hindi pansexual na nagkakagusto regardless of gender! Wala ka naman sigurong dapat ipag-alala about your virginity na exclusive lamang para kay Angelo. Malamang sinabihan lang ni Rain si Genevive ng 'Ich liebe dich' sumaya na iyon. "

Napangiti ang napanatag nang si Jorge. Ngunit ang ngiting iyon ay kaagad ding napalitan ng gulat ng maalala niya ang istoryang malapit na niyang matapos isulat. "Speaking of 'Ich liebe dich'! Kailangan ko na palang magsulat dahil...may sure na ako sa ending ng 'Love at First Shot'! I will ending it up with 'Ich liebe dich' at 'Ich liebe dich auch'! Oh ang taray, 'di ba? nakaka-excite! Kaya Jorge tama na ang chika masyado nang time consuming. Let's get 'auch' na!"

--------------------------------------------

[Date: 12/13/19]

Palamig ng palamig ang klima sa Siyudad ng Baguio, kaya hindi na katakatakang padami ng padami ang umaakyat na bisita. Tila palayo nga lang ng palayo sina Jorge at Rain sa isa't isa sa dumaang mga araw—abala si Jorge sa pagsusulat nang sa gayon ay matapos na niya ang 'Love at First Shot' na madaming mambabasa ang nakasubaybay, habang si Rain naman ay abala sa pag-tour ng mga turista na tipong hindi na naasikasong makapagsulat.

Sa loob ng dalawang linggong lumipas ay dalawang beses lamang na umuwi ng kanyang unit si Rain. Kadalasan kasi ginagabi na ito sa pag-aasikaso ng mga turista kaya kadalasan naaaya ito ng mga mga kapwa tour guide na makipag-inuman hanggang madaling araw—sa kanila na siya halos nakatira. Umuuwi na lamang siya para dalhan si Jorge ng grocery. Nangako na tuloy si Jorge na kapag natapos na niya ang kanyang sinusulat at kapag naharap na rin niya ang isa pa niyang kinakatakutan na paglantad ng kanyang tunay na pagkatao sa kanyang mga tagasuporta ay babalik na siya ng Maynila matapos ring madaluhan ang nalalapit na Grand Alumni Homecoming ng kanilang mataas na paaralan.

------------------------------------

[Date: December 19, 2019]

Matapos ang eksaktong anim na buwan nang sinimulang isulat ni Jorge ang 'Love at First Shot' noong Hunyo, sa wakas opisyal na niya iyong nawakasan. Marami ang kinilig sa ginawang 'happy ending' ni Jorge na kasalan ng popstar na si Genevive at ng paparazzi na si John Lester sa lugar kung saan nagkaaminan ng pagtitinginan ang dalawang karakter na walang iba kundi sa bansang Germany.

At bilang surpresa sa mga tumutok ng kanyang istorya, handa na siyang ipaalam sa kanila ang tunay niyang pagkatao. Hindi na niya nahintay ang pagdating ni Rain dahil alam niya sa sarili niya na kaya na niya iyong mag-isa at handa na rin siya sa kung anuman ang magiging reaksiyon o komento ng mundo sa kanya. Ang importante ay maihahayag na niya ng malaya kung sino talaga siya ng wala nang iniintinding mga magulang na maaaring itakwil siya sa gagawin niyang pasiya.

Mula sa kanyang 'quill pen' na logo bilang LakambiningManunulat, pinalitan ni Jorge ng kanyang selfie ang profile picture ng lahat ng kanyang mga social media account—pati na rin ang kanyang tunay na facegram account na may username na 'Jorge Manalo'.

Mula sa kanyang 'quill pen' na logo bilang LakambiningManunulat, pinalitan ni Jorge ng kanyang selfie ang profile picture ng lahat ng kanyang mga social media account—pati na rin ang kanyang tunay na facegram account na may username na 'Jorge Manalo'

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Isang maikling tula ang naisip niyang i-caption:

'This is Me'

Get ready for your eyes to be open wide,
Now, I am going to reveal myself that I am trying to hide,
I will show you my other side,
That you may not want to bide.

I am a transexual woman,
Far from your imagination,
I am not a REAL woman,
For that, I am begging for your pardon.

My name is Jorge Manalo,
The person behind LakambiningManunulat.
I want to take this opportunity also to thank you,
Sa inyong pagsuporta ay labis talaga akong nagpapasalamat.

Marami ang namangha at sumuporta kaysa sa mga nagalit at namuhi. Libo man ang nag-unfollow, may milyon namang followers ang nanatili sa kanyang Writepad account. Top trending topic naman sa twitter ang #LakambiningManunulatFaceReveal kasama ng #LAFSEnding para sa 'Love at First Shot'.

Alas dyis ng gabing iyon ay nag-apurang umuwi si Rain sa kanyang unit para kamustahin ang kaibigan dahil sa nabalitaan. "Jorge kamusta ka? Bakit hindi mo pa ako hinintay?"

Malayo sa inaasahan ni Rain na pag-iyak, sinalubong siya ni Jorge ng yakap at ngiti. "Rain nagawa ko. Hindi ako natakot. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako nagtatago."

"Mabuti kung gan'on." Gusto ring igapos ni Rain ang mga kamay sa katawan ni Jorge, pero ayaw na niya iyong gawin para hindi na lang ring pakitaan ng motibo ang kaibigang hindi kailanman maibabaling pagtingin sa kanya. "Congrats."

Bumitaw si Jorge sa pagkakayakap para harapin si Rain at pasalamatan. "Thank you. Thank you sa lahat."

Masaya na lang rin si Rain na manatili sa tabi ni Jorge bilang kaibigan na lang na handang umalalay para sa ikaliligaya nito. "Gusto mong mag-celebrate tayo? Saan mo gusto?"

"Pwede ba sa Baguio Craft Brewery kasi parang hindi rin ako nakarating doon eh dahil nga si Genevive ang kasama mo that night."

"Oo naman, pwedeng-pwede."

"Also lass uns flüssiges Brot trinken gehen!"

Napakunot ang noo ni Rain sa pagsasalita ni Jorge na natatantiya niyang sa wikang Aleman na naman. Malas lang niya dahil wala ang pangungusap na iyon sa sinulat ni Jorge. "Ano naman ibig sabihin niyan?"

"In English: 'So let's go to drink liquid bread!'."

"Ah ok." Napangiti na lamang si Rain nang malaman ang ibig sabihin ng pangungusap na iyon. "Let's go!"

----------------------------------------

Pagdating sa restobar ay nakainom ng alak ang hindi nalasing na si Jorge na hindi rin nagpalit ng katauhan—nakita nila iyong isang magandang senyales na bumuti na nga ang kanyang kalagayan.

"Kaya siguro nang huli tayong manggaling dito nabasa ng ulan ang listahan mo kasi mukhang hindi mo na iyon kailangan. Ok ka na oh." Nagagalak para sa kaibigan, kumuha pa ulit ng isa pang baso nang beer si Rain mula sa tasting tray na naglalaman na lamang ng apat na baso mula sa orihinal nitong anim. Itinaas niya ang baso ng napili niyang may kaitimang kulay na beer. "Prost for that!"

Kumuha rin ng isa pang beer si Jorge sa tasting tray saka nakipagtitigan at itinaas ang kanang kamay na siyang may hawak na baso. "Prost!"

Beyond The PagesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα