Page 2 (Part 1)

119 31 30
                                    

Sa patuloy na pagtakbo ng sinasakyang jeep, ay ang pagtakbo rin ng salamisim ng mga eksena ng akda ni Jorge na Mutual Understanding Series sa kanyang isipan:

 [Date: April 4, 2008]

Nagsimula sa pagtatapos ng High School Graduation kung saan sasagutin na dapat ni Joyce si Angelo.

Tulad ng sinabi niya rito hinintay niya ito sa kanilang classroom, pero hindi ito sumipot. Hahanapin pa sana ni Joyce si Angelo nang dumating ang kakambal niyang si Jerah para sabihin na sila ay uuwi na. Walang nagawa si Joyce kundi sumama para hindi na rin magtanong pa ang kakambal at sa takot na rin na baka makahalata ito—dahil maging si Jerah ay hindi alam ang tungkol sa ugnayan nila ni Angelo. Naisip na lang ni Joyce na i-text na lang si Angelo.

Hindi mapakali si Joyce sa bawat minutong lumilipas, hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay ay walang dumating na reply sa kanyang cellphone mula kay Angelo. Kahit simpleng reply para mawala ang kanyang pag-aalala—wala. Hindi na nakatiis si Joyce, nang lumalim na ang gabi at natutulog na ang lahat sa kanilang tahanan maliban sa kanya, tinawagan na niya si Angelo. Ngunit hindi na ito ma-contact.

--------------------------

Opisyal nang simula ng bakasyon, tanging cellphone na lang ang natitirang komunikasyon nila Joyce sa mga kaklase. Sa pamamagitan ng text message sinubukan ni Joyce na itanong sa matalik na kaibigan ni Angelo na si Jerome kung may balita ito, pero maging ito ay walang ideya. Umalis daw si Angelo nang hindi rin nagpaalam kay Jerome. Umasa nalang si Joyce na kung nagpalit man ng numero si Angelo ay ko-contact-in din siya nito.

Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa natapos na ang bakasyon, wala ni isang text o tawag ang dumating mula kay Angelo. Ang tanging pinanghahawakan na lang talaga ni Joyce ay ang kanilang pagmamahalan. Inisip na lang niya na may malalim na dahilan kung bakit—na maaring ginawa iyon ni Angelo para hindi maging destruction sa kanyang pag-aaral lalo na sa kakaharapin niyang kolehiyo.

---------------------------

[Date: 2008-2012]

Bagong simula, bagong kabanata. Pakiramdam ni Joyce siya ay nag-iisa dahil hindi na siya sana'y nang mag-isa—si Jerah na lagi niyang kadikit ay iba ang kurso sa kanya.

HRM ang kinuhang kurso ni Joyce habang si Jerah ay Architecture. Dahil bago ang mga kaklase at mga teachers, hindi alam ni Joyce kung paanong mag-ko-cope up sa nararamdamang lungkot. Miss na miss na niya si Angelo na lagi siyang pinapasaya at pinalalakas ang kanyang loob.

Pero mga bata pa nga naman sila. Pakabilit-bilinan ng kanyang mga magulang na huwag muna silang magnonobyo habang nag-aaral pa. Bagay na nilabag ng kakambal niyang si Jerah. Inamin nito sa kanya na noong pagkatapos ng graduation—habang abala ang lahat sa pagpapa-picture—sa loob mismo ng kanilang classroom ay sinagot nito si Roel. At dahil iba ang unibersidad ni Roel, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Kaya mas lalong tumibay ang pananalig ni Joyce sa naging pasiya ni Angelo na umalis nang walang pasabi para sa ikabubuti na lang din nilang dalawa—para mag-grow sila individually. Dahil hindi pa naman tamang panahon sa pag-iibigan nila, para siguro kapag binalikan siya nito ay mayroon na itong maipagmamalaki at kaya na siyang ipaglaban sa kanyang mga magulang.

.................................

Hindi rin nagtagal at nakasanayan ni Joyce ang buhay kolehiyo, nagkaroon ng mga kaibigan, at naging abala. Mabilis lang na lumipas ang panahon na sa bilis pati pagdating ng kanilang pagtatapos ay hindi alintana. Sa kabila ng lahat hindi nawaglit sa kanyang isipan si Angelo. Hinding hindi niya ito magagawang kalimutan dahil siya ang kanyang inspirasyon sa lahat ng bagay.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now