Page 25

12 2 1
                                    

Nang matanaw na ni Rain ang Lion's Head na siyang sumasalubong sa bukana ng siyudad ng Baguio, marahan niyang tinapik ang pisngi ng katabing kaibigan. "Jorge. Nandito na tayo."

Naalimpungatan naman si Jorge at nang tuluyan na itong magising ay tinanong na siya ni Rain. "Ikaw na ba 'yan?"

Tumango ito habang naghihikab.

"Oh kamusta ka ngayon?"

"Hindi pa rin ok," matamlay na sagot ni Jorge na naipipikit pa rin ang mga matang namamakat pa ang mga talukap sa antok. "Pero alam mo Rain nagpapasalamat ako na wala doon sa bahay kanina si Papa kung hindi malamang inasbaran pa ako noon at baka pati ikaw nadamay pa sa panggugulpi niya."

"Siyempre ipagtatanggol kita, Strong Rain kaya ito." Pinalaki ni Rain ang mga muscles ng mga braso—nagbabakasakaling sa gan'ong paraan ay mapagaan niya ang pinagdadaanang takot ng kaibigan.

"Para kang sira!" Bahagyang napangiti na si Jorge pagkatapos ay ibinaling na ang tingin sa may bintana at muli na namang nanahimik

Isang paraan pa ang nakikita ni Rain upang maibsan ang nararamdamang ng kaibigan. "Gusto mo iinom natin 'yan?"

Mula sa bintana ay napatingin si Jorge kay Rain at sa kawalan ng maisagot ay tinitigan lamang niya ito.

Dahil nakuha na ang atensiyon ng kaibigan, mas lalo pang pinagbuti ni Rain ang pangungumbinsi. "Ano tara? Para mabawasan na rin 'yang problema mo?"

Napakunot ng noo si Jorge sa pamimilit ni Rain. "Paano namang nakakabawas ng problema ang pag-inom ng alak?"

"Kanina habang nasa biyahe tayo naging ikaw si Lily and that means dalawa na lang sa mga katauhan mo ang hindi pa natatahimik—si Joyce at Genevive. Malay mo kapag uminom tayo maging ikaw sila tapos mapatahimik ko na rin sila."

"Paano mo naman daw kaya sila mapapatahimik, aber?" Nakapahalukipkip ng mga kamay si Jorge na nag-usisa.

"Malay mo masabihan ko lang sila ng ni-re-required na linya nila to make them feel that they are loved, mapapanatag na siguro sila n'on kagaya ng iba. Para mga readers mo na lang ang proproblemahin natin kung paano mo i-re-reveal sa kanila ang katotohanan sa pagkatao mo."

"Tungkol nga pala doon...pwede ba bigyan mo ulit ako kahit ng mga dalawang linggo para ma-completed ko na ang 'Love at First Shot'?"

"Ok December 15 ang i-se-set nating date para diyan, basta ngayon ang gagawin lang natin ay uminom. Mag-'hoppy time' ika nga ng Baguio Craft Brewery na ating pupuntahan. Huwag kang mag-alala malapit lang 'yon sa condo, lalagpas lang ng konti, at siyempre kasama mo ako, kaya laklak lang ng alak all you wantif ever na may mangyaring hindi mo inaasahan sa sarili mo ay nandito ako."

Napabuntong hininga lamang si Jorge na ibinaling muli ang tingin sa bintana.

"Well," dahil hindi nagpahiwatig ng pagtutol si Jorge, desidido ang excited na si Rain sa kanyang ideya, "I take that sigh as a yes."

Ilang minuto lang ay narating na ng UV Express ang istasyon nito na malapit lamang sa Burnham Park at mula doon ay sumakay sila ng taxi papunta sa sinasabing bar ni Rain sa Ben Palipis Highway—kung saan doon din ang daan papunta sa condominium na kanyang tinuluyan.

"Ang maganda sa mga beer nila doon ay hindi nakaka-hangover dahil gawa iyon sa mga natural ingredients at wala iyong halong mga kemikal hindi tulad ng mga nabibiling mga commercial beer."

Hindi pinapakinggan ng walang pakialam na si Jorge ang pag-eengganyo ni Rain. Nakatingin lang siya ulit sa may bintana—pinagmamasdan ang mga makukulay na ilaw na kanyang naaninag—habang naiisip pa rin ang masasakit na mga salitang natanggap mula sa kanyang ina.

Beyond The PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon