Page 12

33 20 0
                                    

Matapos masulatan ang dalawang pirasong papel, ibinigay ni Jorge ang mga iyon kay Rain para ipabasa.

Dear Bullalayaw,

Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magsulat....siguro doon na lang sa simula ng aking pagkatutong magsulat—magtigil ka, hindi noong Daycare, pipilosopohin mo na naman eh!—I mean magsulat ng story at iyon ay noong High School. (Wala naman kasing chika sa elementary days, I've entered High School nga na in denial, imagine kung gaano ko pa ni-regret ang elementary days dahil sa mga pambubugbog ni Papa sa tuwing nalalasing siya o 'di kaya'y kapag nakikita niya akong nakikipaglalaro ng chinese garter.)

Laging sinasabi sa akin nila Mama at Papa noon: "Huwag ka ngang lalamya-lamya. Tigasan mo ang kilos!" and even asking me HARSHLY about my sexuality. But of course I refused to answer always. (Bahala ka nang umintindi ha, hindi naman kasi ito creative writing chuchu kaya baka mali-mali ang grammar ko). At mas lalo pang tumindi ang pagkabahala nila sa malambot kong damdamin noong adolescent na ako dahil nangangamba sila na baka sa halip na ako ay magbinata, ako ay magdalaga. Hindi na nga ako nabubugbog ni Papa that time, pinagbubuhat naman nila ako ng kinabang palay na may kasama pang mga sagad sa kaluluwang pagbabanta/pagpapaalala.

Kaya ayon I entered High School na hindi alam kung paanong kikilos and to the point na kahit sa sarili ko hindi ko inaaamin na... sabihin na nating ako ay isang 'bakla' o kabilang sa tinatawag na 'third sex' kasi natatakot ako. Kaya noong unang beses na makita ko si Angelo, hindi rin ako naging tapat sa sarili ko. Naroong isipin ko na siya lang ang ideal brother-in-law for me dahil wala akong kapatid na lalaki and I even wrote a story na si Ate at siya ang mga bida para ma-divert na lang sa kanila ang kilig—'yon kasi ang mga katanggap-tanggap na paliwanang sa sarili kong nasa 'in denial' stage that time.

Sa ganoong paraan naiibsan ang aking pangamba sa aking mga magulang dahil alam ko sa sarili ko na wala akong maling ginagawa kaya hindi ako nakokonsensiya. Pero noong mga ilang linggo na lang bago grumaduate sila Ate, naging usap-usapan ang panliligaw ni Angelo at ang pangba-busted ni Ate sa kanya. Doon na lumabas ang totoo, nagsibakbakan ang mga tinapal kong mga panakip sa pilit kong itinatagong damdamin. Inis na inis ako noon kay Ate kasi ang tanga-tanga niya dahil ang lalaking pinapangarap at hinahangaan ko, binaliwala lang niya. Inis na inis ako sa sarili ko kung bakit ako ganoon—kung bakit ako nasa ganoong kalagayan kung saan hindi ko magawang lapitan at makausap ang lalaking iniibig ko dahil sa takot sa mga magulang ko. Naiinis ako kay Angelo dahil hindi niya ako napapansin ('yong napapansin na hindi parang hangin ha). Pero kahit ganoon ang nangyari naipagpatuloy ko pa rin ang nasimulan kong pagsusulat ng 'Mutual Understanding' para doon ibuhos ang lahat—inggit ko kay Ate, sisi ko sa sarili at pangungulila kay Angelo. Ginawa ko na iyong Series, pagkatapos ng Book 1 na 'Me & U' ay ang 'Maid for You' na kung saan mas feel ko na talaga si Joyce na nagmamahal ng tapat pero iniwan ni Angelo ng walang paalam dahil akala ni Angelo na hindi siya ang mahal ni Joyce.

Simula kasi nang maka-graduate sila Ate ng High School, hindi ko na nakita si Angelo. Kaya walang araw tuloy na hindi siya nawaglit sa isipan ko hanggang sa kakaisip ko sa kanya at sa sinusulat kong istorya, hindi ko namalayan ang pagtakbo ng panahon—magdedebut na si Ate at ako naman mag-fo-fourth year High School na—na hindi pa rin alam kung ano nga ba talaga ang gustong tahaking landas sa buhay. "Basta bahala na"—ang palagi kong katwiran sa tuwing mapapag-usapan ang boring na paksang iyon. "Siguro naman sa loob ng isang taon mapapag-isipan ko kung anong course ang kukuhanin sa college," idadagdag ko pang katwiran. Mas pinaghahandaan ko pa ang nakaplano naming bakasyon noon sa pangarap naming lugar na mapuntahan ni Ate, ang Baguio City—debut gift nila Mama at Papa sa kanya since doon rin siya mag-o-ojt para raw ma-familiarized na siya sa lugar.

Pero ang masaya sanang bakasyon ay naging trahedya na bumago sa takbo ng aming mga buhay dahil isa sa miyembro ng aming pamilya ay binawian ng buhay. Nawalan ng preno ang sinasakyan naming bus kaya kesa may madamay pang ibang sasakyan na bumabagtas rin noon sa Marcos Highway, pinili ng driver na ihulog na lang ang bus sa bangin.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now