Page 17

23 4 0
                                    

[DATE:November 4, 2019]

"Welcome to Sunshine Park!" bungad ni Rain habang nakaunat ang dalawang mga kamay pagdating sa entrance ng parke

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Welcome to Sunshine Park!" bungad ni Rain habang nakaunat ang dalawang mga kamay pagdating sa entrance ng parke. "Dito na muna tayo habang wala pa ang mga tumatambay na mga estudyante. I'm Rainiel Uy nga pala, your tour guide for today! Just call me Rain, 'wag lang 'callboy'."

Gaya ng plano na naisip ni Rain nang nakaraang gabi, gagawin nila sa araw na iyon ang mga nakatala sa listahan ni Jorge ng mga bagay na gusto niyang gawin.

"Siguro mas bagay sa 'yo ang tawag na 'call-bi'," pambabara ni Jorge na napag-initang basagin ang excitement ni Rain. Nang makitang hindi natuwa ang kausap sa kanyang pagbibiro, ay pasimpleng iniwas ni Jorge ang mga mata at itinuon na lamang sa may entrance ng park. "Ano ang meron dito? Ngayon lang ako napunta dito. Dati nakikita ko lang 'to kapag natatapat ang sinasakyan kong jeep."

"Nakapunta ka na dito," seryosong tugon ng tila may tampo na namang si Rain, "noong isang araw lang,"

"Ha?" Mula sa pagmamasid sa paligid, sa pagtataka ay napabaling muli si Jorge kay Rain. "Pa'no?"

"Nang maging 'Zelena' ka, dito ka nga tumakbo 'di ba? Para manginain ng damo."

"Edi hindi pa rin nga ako ang nakapunta dito!" Nakapamewang na kinontra ni Jorge ang paliwanag ni Rain. "Kaya pala hindi ko matandaan eh."

"Pero hindi mo rin maalis ang katotohanang kumain ka ng damo," mapang-asar na ganti ni Rain na natatawa na.

"Whatever!" Pairap na inalis na naman ni Jorge ang tingin mula kay Rain para magmasid sa paligid. "Ano ba ang gagawin natin dito ha?"

"Para sa unang check sa listahan mo, since marami namang damo rito at gustong gusto mo sila kaya rito ka tatapak!"

Hindi tuloy maiwasang sumagi sa isip ni Jorge kung paanong napaalis ni Rain sa isipan niya ang anggitay na si Zelena. "Rain curious lang ako, if naging ako si Zelena, ano ang ginawa mo para hindi na ako siya?"

"Simple lang ano ba ang kailangan ni Zelena upang maging tao?" Nasilayan na naman ang dimples ni Rain sa kanan nitong pisngi.

"Halik ng tunay na pag—" Nanlaki ang mga mata ni Jorge kasabay ng paglakas ng kabog ng kanyang dibdib nang mapagtanto ang kasagutan sa tanong ni Rain. "Don't tell me, Rain! You took my first kiss!"

"'Di ba sabi mo nga kanina, hindi ikaw 'yon?" Napakamot sa batok ang pinagpapawisan nang si Rain na hindi inaasahang ganoon ang magiging reaksyon ni Jorge. "Kaya ayon ginawa ko. Natakot kasi ako eh dahil magiging anggitay raw siya sa pagsapit ng dilim, kaya baka kung ano pa ang mangyari, inuhan ko na."

Tila mga kahoy na iginatong na nakapagpadingas sa galit ni Jorge ang mga dahilan na sinabi ni Rain, kaya tanging isang malakas na sampal ang nabitawan niya sa pisngi nito na nakapagpabiling ng ulo nito.

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now