Page 13

35 19 9
                                    

"Jorge 'di ba ang sinabi ko sa 'yo autobiography? Bakit naman love letter itong ginawa mo?" puna ni Rain habang ibinibigay pabalik kay Jorge ang mga papel.

"Anong love letter ka diyan?" Sa pagtataka, nagsalubong ang mga kilay ni Jorge habang hinahablot ang mga papel mula sa kamay ni Rain. "Hindi ah! Don't tell me pati 'tong mga papel na 'to mayroon ding multiple personality—nagbabago rin."

"Eh bakit ganoon ang nakalagay sa dulo?" Nanlalalim ang dimple ni Rain sa kaliwang pisngi—bagay na nagiging palatandaan ni Jorge kapag may kapilyuhan na namang gagawin ang kaibigan.

"Alin? itong: 'Naging writting pal tayo—nagtutulungang mag-conceptualized at crini-critique ang gawa ng isa't-isa...?"

"Hindi 'yan." Lalong naniningkit ang mga mata ni Rain sa pagngiti ng sagad sa tainga.

"Eh alin? Itong: 'Nagmamahal, @LakambiningManunulat'?" Itinuro ni Jorge kay Rain ang bating pangwakas ng liham.

"Oo. Tapatin mo nga ako Jorge..." naging seryoso ang tono ng pananalita ni Rain, tumingin ng matalim na nakapagpakaba sa kanyang kaharap, "may pagtingin ka ba sa akin?"

"Ay sira! Malamang pang-closing remarks 'yan! Hindi ka kasi pormal na tao kaya hindi mo alam ang mga ganyang bagay!" Pagkatapos ng pa-pilosopong pagpapaliwanag ay ang dampon ni Jorge sa ballpen na nasa mesa para ayusin ang kanyang liham. "Oh hayan binago ko na, ginawa ko nang 'Gumagalang, @LakambiningManunulat,' okay na ba @Bullalayaw? Wala na ba sa 'yong malisya?"

"Natural hindi!" pahiyaw na pagkontra ni Rain na napatampal pa sa mesa na nakapagpabigla naman kay Jorge. Sinundan pa iyon ni Rain ng mapunit-punit na paghubad ng kanyang pantaas. Binalibag ang damit at pagkatapos ay ngumiti habang hinimas-himas ang kanyang tiyan. "Parang mas gusto ko ang—'Naglalaway, @LakambiningManunulat '—since naglaway ka naman talaga dito."

"Ay oo tama ka...pahawak nga niyan." Kalmado na dahil sa nagbibiro lamang pala ang kausap, pinatulan ni Jorge ang biro nito—iginuhit niya ang kanang hintuturo sa abs ni Rain pababa hanggang sa may puson saka biglaang bumunot ng mga hibla ng balahibo na naroon.

"Arayyyy!!" Namilipit sa sakit si Rain na napatutop ng kamay sa bahaging binutan ni Jorge.

"Buti nga sa 'yo, 'yan lang pala ang kahinaan mo. Ha-ha-ha," mapang-asar na kutya ni Jorge habang binibilang ang mga balahibo na nakuha kay Rain. "Masyado kasing feeling!"

"Siguro..." kahit na namimilipit pa rin sa sakit ay pinilit ni Rain na magsalita, "kaya mo 'yon ginawa para makakuha ka ng specimen ko para makagawa ka ng gayuma?"

"Ay talagang hindi pa tumitigil eh, gusto mo ipakain ko pa sa 'yo 'tong mga karug na 'to?!" Nanlalaki ang mga matang nagbanta si Jorge.

"Hindi na...hindi na, titigil na po." Tumuwid ng upo si Rain at nagseryoso kahit nangingiti pa habang umaarteng kunyari ay may kirot pa ring nararamdaman. "Pag-usapan na lang natin ang findings ko sa 'yo base sa nabasa ko: ang mitsa ng pagkakaroon mo ng ganyang kondisyon ay...identity crisis. Wala naman kasi talagang taong may iba't ibang pagkatao, ang mayroon ay ang taong hindi matatag ang pagkatao. Lagi kang natatakot, sa 'yo na nanggaling na lagi mong idine-deny ang sarili mo. Nakikita kong malaki ring factor ang pagiging trans mo Jorge. Tama nga ang kasabihang: 'Madaling maging tao pero mahirap magpakatao,' lalo na kung nabibilang ka sa LGBTQ+ community. Alam ko 'yon, bilang isang 'bisexual' pero dapat tayong maging matapang, hindi man matanggap ng iba kung ano tayo at least mapalaya na lang natin ang ating mga sarili upang makagalaw na lang rin tayo ng malaya ng naayon sa kung ano nga talaga tayo. Iyon ang hindi mo nagawa Jorge—ang magpakatapang na ihayag ang iyong sarili. Namumuhay ka nga ng malaya, nagagawa mo lahat ng gusto mo, pero nagtatago ka pa rin sa takot kaya wala pa rin sa 'yo ang katotohanan ng sarili mo."

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now