Page 30

11 2 0
                                    

Bawat hakbang ni Angelo papalapit sa kinatatayuan ni Jorge ay ang paggunita naman sa isipan niya ng mga alaala ng lumipas—mula ng una niyang makita si Angelo, pagtugtog nito ng gitara, maging ang pagsayaw nito sa J.S. Prom dati na kapareha ang Ate niya na nahiling ni Jorge na sana ay siya ang kasayaw nito. Kung gaano katinding ligaya ang nadarama ni Jorge sa sandaling iyon ay ganoon din ang kaba sa dibdib niya. Parang hindi niya kakayanin ang lakas nang nagwawala niyang puso, kung kaya—nang nakalapit na si Angelo sa kanya at yakapin siya nito—humalili sa kanya sa pagkontrol ng kanyang buong sistema ang karakter na si Joyce.

"Joyce salamat at nagkita tayong muli. Ang dami kong gustong sabihin sa iyo. Sana bigyan mo pa ako ulit ng isa pang pagkakataon dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang minamahal ko."

Ang mainit na yakap ni Angelo at ang amoy ng pabango nito—ang nagparamdam sa karakter na si Joyce na siya ay nakauwi na sa kung saan siya nabibilang. "Kung saan-saan ako nakarating para lang mahanap ka. Salamat at natagpuan na rin kita. Salamat dahil sa wakas mapapatag na ang kalooban ko ngayong kapiling na kita, Sir."

Napakunot ng noo ang nagtakang si Angelo sa salitang 'Sir' na binanggit ng kanyang kayakap. "Joyce naman parang ibang tao naman ako niyan, huwag mo na akong tawagin ng 'Sir.'"

Pagkabitaw ni Angelo sa pagkakayakap kay Jorge ay nakabalik na ulit siya sa kanyang sistema. "Angelo, sorry."

"Ok lang. Basta lagi mong tatandaan na ako pa din naman ito, si Angelo. Kahit na isa na akong Bank Manager Abroad, I always keep my feet on the ground."

"Angelo sorry kasi..." Ramdam ni Jorge na dapat niyang sabihin ang totoo kay Angelo upang maiwasan na parehas silang mabuhay sa kasinungalingan. "Hindi ako 'to."

"Ha? Ano ang ibig mong sabihin? Sino ka ba?"

"Ang ibig kong sabihin ay..." Tulad nga ng turo ni Rain na dapat maging matapang siya na mamuhay kung sino talaga siya. Sino ba namang tao ang ayaw mahalin bilang siya? Karapatan malaman ni Angelo ang totoo at mas masarap mahalin sa katotohanan, kaya kahit natatakot ay hindi itatago ni Jorge sa kanya kung ano ang tunay dahil para sa kanya iyon ang totoong nagmamahal—hindi nagsisinungaling. "Hindi ako si Ate na siyang inaakala mo sa akin. Ako 'to si Jorge."

"Ano?! Babae ka na din?" Nanlalaki ang mga mata ni Angelo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Magkamukhang-magkamuha na kayo ngayon. Eh nasaan si Joyce? Um-attend din ba siya?"

Ikinagulat ni Jorge ang mga lumabas na tanong sa bibig ni Angelo. "Hindi ba sa iyo nakarating ang balita?"

"Anong balita?"

"Angelo...mahigit sampung taon nang patay si Ate."

"Ano?!" bulalas ng nagdududang si Angelo. "Hindi totoo 'yan! Bakit hindi nila sinabi sa akin?"

"Sinubukan ko dating hanapin ang mga social media accounts mo, pero hindi ko nahanap. Ang tanging alam ko lang noon ay ang sabi nila na right after graduation ay doon mo raw piniling mag-aral sa Maynila at iyon ay dahil daw sa pangba-busted sa iyo ni Ate."

"Totoo 'yon, dahil nga sa kanya kung bakit ako lumayo. Noong una para makalimot sa nangyari kaya isinara ko ang koneksyon sa kahit sinong may kinalaman sa kanya. Pero kalaunan, upang paghandaan na ang aming susunod na pagkikita. Nakakuha ako ng scholarship sa isang university sa U.S. para doon mag-masteral. Pinagbuti ko sa trabaho, na-promote, at, ngayon heto na ako handa nang harapin siya para patunayan na ako ang karapat-dapat sa pagmamahal niya."

"Pero wala na siya. Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa kanyang himlayan."

................................................................

Nagpunta ang dalawa sa pampublikong sementeryo ng Barangay na kalapitan lamang ng iskwelahan.

"Namatay si Ate tatlong araw bago ang kanyang debut. Magbabakasyon sana kami noon sa Baguio—as debut gift nila Mama sa kanya—pero sa kasamaang palad nawalan ng preno ang sinasakyan naming bus. Nahulog iyon sa bangin at isa si Ate sa nasawi."

Beyond The PagesWhere stories live. Discover now