Page 7

52 26 8
                                    

 [Date: November 2, 2019]

Sa pagbukas ng elevator sa pangsampung palapag, lumabas sila Rain at kaagad na tinunton ang kanyang unit. Gamit ang susi na kinuha sa sinturera ng pantalon, mabilis niyang binuksan ang nakakandadong pintuan, pagkatapos ay sabay nilang pinasok ni Jorge ang unit.

"Jaran!" pabirong bungad ni Rain na ikinukubli ang pag-aalinlangan sa kanyang studio-type na unit na kulang-kulang pa ng gamit. Si Jorge kasi ang kauna-unahan niyang bisita roon at hindi pa niya alam kung paanong pag-eestima ang gagawin dahil sa kakaibang kondisyon nito. "Pagpasensiyahan mo na ito lang ang nakayanan kong kaharian." Dagdag ni Rain habang sinasarang muli ang pinto na sinundan nang pagpihit ng kandado ng doorknob.

"Pasensiya?!" Nanlalaki ang mga mata ni Jorge na ibinaling ang atensiyon kay Rain. "Masaya nga ako eh na ang boyfriend ko may naipundar na! Tamang-tama nga lang ito sa atin at sa mga magiging anak natin...ilan na nga pala ulit ang gusto mo?"

"Ikaw? Kung ilan ang gusto mo. Basta ang gusto ko ikaw...basta ikaw—ang magiging ina ng mga magiging anak ko."

Sa hirit ni Rain, isang matamis na ngiti ang lumabas sa mga labi ni Jorge na halatang kinilig. Sa kagustuhan na maiba ang usapan, isang ideya ang naisip ni Rain na sa kanya ring palagay ay kailangan na niyang ikonsulta kay Jorge. "Ay oo nga pala, ano ang gusto mong kainin? Para maka-order na ako. Saan mo gusto Mcdo? Jollibee?"

Bahagyag nakalimutan ni Rain na hindi ang kaibigan niyang si Jorge ang katauhan ng kanyang kausap. "Hoy Fron, remember I'm on a strict diet! Lalo na ngayon—ngayong Miss Galaxy Philippines na ako...mas mahirap na! Ang hirap-hirap i-maintain ng katawan na 'to! Hindi ako pwedeng magpabaya!"

"Minsan lang naman eh!" Pinandigan pa rin ni Rain ang kanyang mungkani dahil napagtanto niya na baka kapag nakatikim ng pagkaing ayaw ni Pat si Jorge ay baka sakaling bumalik na sa dati ang takbo ng isip nito.

"Kung sabagay....pero huwag na, ayaw ko nang tumaba. Okay na sa akin ang itlog, meron ka ba?"

"Oo naman, dala-dalawa pa!" Akala ni Rain makukumbinsi na niya ang karakter na si Patricia na um-order na lang sila ng makakain, pero siya pala ang mapapayag nito na magluto na lang dahil nakakaramdaman na rin siya ng gutom. "Ano ang gusto mong gawin ko: binate, sunny-side up o hard boiled?"

"Hay! Naku! Ikaw talaga!" Pinisil ni Jorge na may panggigil ang mga pisngi ni Rain. "Akala mo ha, hindi ko yan papatulan. Oh sige gusto ko 'yong matigas, isawsaw mo 'yan sa kaldero ng kumukulong tubig ha!"

"Oh edi ayan napasaya kita. Maupo ka na muna dito," itinuro ni Rain ang isang monobloc chair na nasa tabi ng mesa, "iluluto ko na ang specialty ko."

"Gusto mo tulungan na kita?" alok naman ni Jorge.

"Para pagpapatigas lang ng itlog, expert 'to 'no, sisiw na sisiw!" Pagmamayabang ni Rain habang inilalagay sa isang kaserola ang walong itlog na nakuha sa tray na nasa kitchen counter. "Alam kong diet ka, pero aalukin na rin kita ng kanin?"

Tumugon si Jorge ng iling habang umuupo sa silya.

"Ay oo nga pala wala rin pala akong isasaing dahil hindi nga pala uso sa akin ang bigas. Hehe." Pinihit ni Rain ang gripo para lamanan ng tubig ang kaserola. "Eh t.v.? Baka gusto mo munang manood?"

"Hindi na, ok lang ako. Mas gusto kong panoorin ang prince charming ko."

"No choice ka lang din kasi," pinipigil ang tawa habang ipinapatong na ni Rain sa electric stove ang kaserola, "pano nakalimutan ko rin....wala pa nga pala akong t.v.!"

Nangingiting tumayo si Jorge mula sa pagkakaupo at naglakad papuntang kusina pagkatapos ay yumapos sa katawan ni Rain. "Ikaw talaga, lagi mo akong niloloko."

Beyond The PagesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora