[ 28 ] Outlandish

45 2 0
                                    

Kanina pa ang uwian. Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa bahay. Hindi ako sumama sa kanila ngayon dahil gagala pa daw sila. Dahil walang tao sa bahay ay kailangan kong umuwi ng maaga ngayon at para na rin may kasama si Spot.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin ang sinabi sakin ni Mev kanina. Parang nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya dahil sa sinapit niya noong bata pa siya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam na nangyari rin pala ang gano'ng sitwasyon sa kanya.

Well, every one of us has our own secrets to hide.

~*~

"And here we are," binitawan na niya ang pulupulsuhan ko at prenteng umupo sa isang bench na gawa sa semento. Sa likod nito ay isang malaking puno. He crossed his legs and put both of his hands on his head.

Here? Dito lang pala kami pupunta? Pabagsak akong umupo sa tabi niya. Sa garden lang pala ang punta namin. Ano kaya ang pumapasok sa isip nito at naisipang dito kami magta-tambay? Kung ano man 'yon ay pakiramdam ko ay medyo personal ito dahil ako lang sinama niya.

But why me?

Ilang minuto kaming walang imikan. Puro lang malamig na hinagpis ng hangin ang nararamdaman namin at ang nag-iingay na mga halaman kapag ito ay natatamaan ng hangin.

"Spill it," pagpuputol ko sa nakakabinging katahimikan.

"Hmm?" Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin siya sakin.

"Spill the beans now, Mev." Sandali siyang napatitig sakin tapos ay marahan siyang tumawa.

"Kung dinala mo ako dito para may mapagsabihan ka ng sekreto o paglabasan ng sama ng loob o kung ano man 'yon gawin mo na. I won't judge you." But then again, he just chuckled.

"Grabe ka Ro ah. Ang laki na talaga ng pinagbago mo. Noon maliliit na mga salita lang ang lumalabas sa bibig mo. Halos ayaw mo na ngang magsalita eh. Pinagkamalan pa kitang pipi noong una kitang nakilala, haaay. Ngayon ay hindi na, malaki na ang puwang na ginawa mo para baguhin ang sarili mo." Mahabang paliwanag niya. Itatanong ko na sana sa kanya kung sobra ba ang ginawa ko para ganito kalaki ang pinagbago ng sarili ko nang inunahan niya ako.

"I like it this way Ro. Kung pwede ay ibalik mo sana ang sarili mo sa pagiging masiyahin at palangiti, katulad ng nilalarawan ni Kylie at Tyrone sakin." Marahan akong napatingin sa kanya. Kylie, Tyrone and him. Pinag-uusapan nila akong tatlo sa likod ko?

"Minsan iniisip ko, ano kaya ang itsura ni Ro kung palagi siyang nakangiti?" Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. He was looking up, looking at the blue sky with white fluffy clouds covering it. Gano'n pa rin ang posisyon niya, nakadekwatro habang ang dalawang kamay ay nasa ulo.

"I bet maraming magka-crush sayo," natatawang sabi niya. Hindi ko mapigilan na mapangiwi sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napunta ito sa isang kulay puti at orange na pusa na dumaan sa harap malayo samin. "Kaya mo ba ako dinala dito dahil ako ang pag-uusapan natin?"

"Nah. I just accidentally brought that up though." Umupo siya ng maayos.

"You want to know why I was kinda off these days, yes?" Lumingon ako sa kanya at napunta iyon sa logo ng uniform niya.

"Hindi lang ako kundi pati sila." Sagot ko. He sigh and slightly bow his head.

"Sorry kung pinag-alala ko kayong lahat. These days had pass, I was just not in the mood."

Kaya siya naging weird ng ilang araw dahil wala siya sa mood? What kind of excuse is that?

"Ang mga araw na hindi ka sumama samin kumain ng lunch, ang mga araw na gumawa ka ng dahilan o palusot para iwasan kami at makasama ang dalawang bago nating kaklase, wala ka rin ba sa mood mo ng mga oras 'yon?" Automatic na tumaas ang ulo niya at tumingin sakin na may malalaki ang mga mata. Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon