[ 6 ] Atrocious Bruises

252 65 8
                                    

- • • • •

"Okay ka na ba? Aray!"

"Tanga mo talaga! Sinong tao ang magiging okay sa nangyari kanina?!"

"Eh mag-iisang oras na siyang nakayakap sa kanya! Baka nananantsing na 'yan!"

"Ano namang katangahan ang pumasok sa kokote mo Kylie at naisip mo 'yan?"

"Bakit kasi hindi nalang natin siya dalhin sa clinic?!"

"Pwede ba Kylie?! Tumahimik ka nga muna! Kahit 10 minutes lang!"

Hindi ko pinansin ang pagbabangayan nilang dalawa at tinuon ang pansin sa lalaking nakita ko kanina sa hallway na nakayakap sakin ngayon.

Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ang payat payat niya at parang hindi nakakain ng ilang araw. May mga galos at pasa ring pumapalibot sa braso at leeg niya. What happened to him?

"Okay ka na?" mahinahong tanong ko at sa ikasiyam na pagkakataon ay umiling siya. Nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa kaninang nangyari.

Nandito kami ngayon sa tabi ng pinto, nilock pa namin ito para walang sasabagal dito samin at binabantayan namin siya ng maigi, baka kasi gagawin niya ulit ang ginawa niya kanina. I wonder, what made him do this?

Hindi ako nag-atubiling sinipa ito at bumungad sakin ang lalaking malapit sa may railings. Tumakbo ako kaagad papalapit sa kanya. Bago pa siya lumingon ay nahawakan ko na ang kamay niya kaya't hinila ko siya papalayo do'n.

Sa lakas ng pagkahila ko ay nawalan siya ng balanse kaya natumba kami sa isa't isa. Dahan-dahan akong bumangon at tinignan siya. Lumaki bigla ang mga mata ko nung napagtanto kong hindi siya ang lalaki na nakita ko kanina sa hallway.

"T-Tyrone?" mula sa nakangiwing mukha ay unti-unti siyang namulat at tinignan ako. Ang kaninang nakangiwing itsura niya ay napalitan ng gulat.

Isa kong kaklase si Tyrone Villadolid simula 1st year high school ako. At hindi ito ang pinakaunang pagkakataon na nag-usap kami.

"Ro.. Rosella."

Hindi.

Hindi hindi hindi.

Hindi pwede 'to. Maling rooftop ba ang pinuntahan ko? Bakit si Tyrone ang nadatnan ko dito? Siya ba talaga yung nakita kong lalaki na tumatakbo sa hallway? O baka guni-guni ko lang na ibang mukha ang nakita ko? Pero hindi, walang bakas ng luha ang mata at pisngi niya. Imposible na natuyo agad dahil ilang minuto lang naman ang lumipas.

Umayos ako at umupo katabi niya. Yumuko ako, wala na. Am I too late? O baka mali talaga ang napuntahan kong rooftop? Pero hindi eh, ganitong lugar ang nakita ko sa mga mata niya. Itong rooftop pinili niya para magpakamatay.

"Rosella? Okay ka lang ba?" umupo siya at pinagpag ang polo niya.

Wala akong kwenta. Naalala ko noon, dito rin ako nagtangkang magpakamatay. But the view was always on the way of my nearly death. Naramdaman kong tumayo siya.

"I'm not intending to give my soul for Death. Marami pa akong pangarap na tutuparin." Dagdag niya at nakita ko ang pag-alay ng kamay niya sakin. Walang emosyon ko itong tinignan. Ilang sandali ko muna ito tinitigan bago ito hinawakan. Tinulungan niya akong tumayo tsaka ko rin pinagpag ang uniform ko.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon