[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2

41 2 0
                                    

I tap my index finger on the table while waiting my order. Jeez! This is so awkward, the atmosphere between us so awkward. Hindi ko akalain na makikita ko sa batang ito ang sarili ko noong mga panahon na loser pa ang tingin ng mga tao sakin. Every tap I make, the more heavier the atmosphere.

Nakatingin ako sa kanya while her, nakatingin lang sa labas ng bintana malalim yata ang iniisip. Actually, kanina pa ganyan ang posisyon niya nung pagka-upo namin. Sobrang tahimik niya lang. Nakikita ko sa mukha niya na napipilitan lang siya na sumama sakin. Well, mabuti na 'yon dahil kailangan ko siyang makausap tungkol sa case ng papa niya.

Ang hirap niya pang kumbinsihin kanina, balak niya pa sanang takasan ako pero dahil mas malakas ako kaya naman sa huli ay ako ang nanalo.

"T-Teka, wait lang." Hinawakan ko siya sa kanyang braso nung tatakbo na sana siya.

"I mean no harm, please." Hindi siya lumingon sakin kaya nagpatuloy lang akong nagsalita pero pilit niyang kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya. Ba't hindi siya nagsasalita? Pipi ba siya?

"If you're not the one I'm talking about, face me and say that I'm wrong." Napahinto siya sa pagpipiglas at dahan-dahan ako hinarap.

"Paano mo ako..." Tinignan niya ako pero hindi saking mga mata.

"... nakilala?"

"I know your father, James Escobardo. He hired me to-" napatigil ako sa pagsasalita dahil may pumasok bigla sa isip ko.

"Don't tell this to my daughters that I hired you. Hindi ko gusto nila malaman tungkol sa kaso ko." That's right, sinabi niya pala ito sakin na wag kong sabihin sa dalawang anak niya ang kahit na tungkol dito.

Pinakawalan ko na siya and composed myself. Hinimas-himas naman niya ang kanyang braso kung saan ko ito hinawakan. Her eyes are cold as ice, there's no emotions that I can sense in that kind of gaze, mukhang galit pa nga eh. Hindi ko mahula kung ano ang iniisip niya, ang hirap dahil hindi niya ako tinitignan mata sa mata.

"Ni-hire ka ni papa para ano?" Tanong niya habang ang tingin ay nasa suot ko. Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinitigan ko ang mga mata niyang ayaw tumingin sakin.

Ba't ayaw niyang tumingin sakin? Gano'n na ba ako kapangit sa mga mata niya? Okay lang, hindi naman masyadong masakit.

"Ano ang koneksyon mo kay papa?" I don't think na ganito na ang personality niya noon. Halata sa mukha niya ang maliliit na wrinkles malapit sa may mata niya which means palangiti siya. I felt sorry for her dad. 3 weeks na ang nakalilipas nung ni-hire ako ni James which is her dad para asikasuhin ang case niya.

"Kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko ay aalis ako. Wala akong oras makipag-usap sa mga hindi ko kilala." Sabi niya habang hindi pa rin ako tinitignan. Tumaas ang gilid ng nguso ko sabay taas ng isang kilay ko.

Baby face pa naman ako, bakit ayaw niyang tumingin sakin? Bulag ba siya? Parang hindi naman yata dahil kabisadong-kabisado niya ang daan kanina, mulat na mulat ang mga mata habang lumalakad.

"Hey-! Wait lang Miss," aalis na sana siya pero buti nalang ay napigilan ko siya. Looks like hindi siya 'yung tao na hindi inaaksaya ang oras sa mga walang kwentang bagay.

Anong grade na ba siya? Kung kumilos kasi mature na eh pero ang height, uhmm, mas maliit pa siya sakin. Pambata ang height.

"Wala akong oras makipag-usap sayo-"

"Bulag ka ba?" I asked na ikihinto niya. Nilingon niya ako at nagtama ang tingin namin pero mukhang idol niya si Flash dahil sa speed niya, tumingin nga siya sakin pero mabilis lang.

Pakiramdam ko nga ay hindi nagtagal ng isang segundo. Pero alam ko na ang sagot niya sa tanong ko- hindi siya bulag. But why can't she look at me directly in the eyes?

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon