[ 18 ] Top of the Roof

113 13 6
                                    

Monday na ulit kaya papasok na naman. As usual, nagising ako ng maaga bago nagring yung alarm clock ko. Nang matapos kong gawin lahat ay nilakad ko na ang malamig at walang taong daan pero huminto ako kung saan dumaan ako kagabi.

Tinignan ko ito, tila parang bumalik saking isipan ang nangyari kagabi. Kahit anong pilit kong gawin ay parang ayaw magsink in sa utak ko ang nangyari kagabi, na nagkatotoo ang dapat na paniginip lang.

"Good morning," nilingon ko ang ulo ko sa kaliwa. Si Tyrone lang pala. Nakalimutan kong ilang blocks lang pala ang tirahan niya dito.

"Morning,"

Sabay naming nilakad ang daan patungong eskwelahan. Hanggang sa makarating kaming dalawa do'n ay hindi kami nag-imikan. Dahil nasa kanya ang duplicate na susi ng classroom ay nabuksan niya agad at sabay kaming pumasok.

Habang papunta ako saking upuan ay may narinig akong parang orasan. Si Tyrone naman ay kaswal niyang nilagay ang bag niya sa kanyang upuan. Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw ay napatanong siya.

"Okay ka lang?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay mas pinakinggan ko ng maigi ang paligid. Meron talaga akong naririnig eh pero nagkakapagtaka dahil wala naman kaming wall clock o kahit na anong orasan dito.

Ayun, palakas ng palakas. Habang papalapit ako sa upuan ko ay lumalakas ito sa pandinig ko. Weird. Bakit hindi naririnig ni Tyrone yung naririnig ko?

"Can you hear it?" tanong ko habang nagmamasid-masid sa paligid.

"Hear what?" Lumapit siya sakin habang kumukumot ang noo.

"Teka, tama ba 'tong naririnig ko?" tanong niya at mas pinakinggan ito.

"It's look like a—"

"Ticking bomb." diretsong sabi ko. Yes, it's really look like there's a ticking bomb here. How did they even put a bomb here? Sumalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Excuse me?"

What we're hearing now is a time bomb, I'm sure of it.

Sa mga drawers siya ni ma'am nagsimulang hanapin ito samantalang ako ay sa bawat upuan dito sa loob. Sinimulan ko ito sa pinakaunang bahagi na malapit sa pinto.

Pero naalala ko, habang papalapit ako saking upuan ay do'n mas lalong lumalakas ang tunog. Hindi kaya..? Bumalik ako saking pwesto saka do'n siya hinanap. Kinapa-kapa ko yung ilalim ng desk ko.

W-what the?

Lumuhod ako at tinignan ko ang ilalim ng mesa ko. Tama nga ako, nandito ang bomba. Umayos ako ng upo at yumuko. Tss. Of all of the people and students around here, ako pa yung napili niyang lagyan ng bomba.

"Rosel, nabuksan ko na ang mga drawers at cabinet ni ma'am pero wala akong may nakitang bomba."

"Because it wasn't put there. It's on my desk, beneath it." Naramdaman kong lumapit siya sakin saka tinignan rin ang ilalim ng desk ko. In my peripheral vision, I saw him gasped. Wala sa sarili siyang naupo sa sahig katulad sakin.

Bumuntong hininga ako. May nangyari na nga kahapon tapos may dumagdag na naman.

"T-tama ka nga." Hindi makapaniwalang sabi niya habang nakayuko. Ilang minuto kami naging tahimik, iniisip kung paano namin idefuse ang bombang ito.

Paano nakapasok ang taong 'yun dito sa loob na hindi nakikita ng mga gwardya dito? Oo nga pala, malapit ako sa bintana at hindi imposible na dito siya dumaan.

"If that's a time bomb," tumingala siya saka tinignan ulit ito.

"Meron nalang tayong anim na minutong natitira." sabi niya habang tinitignan ang ilalim ng lamesa ko sabay kinapa-kapa ito.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon