[ 26 ] What Time Is It?

50 3 0
                                    

Katulad ni Melanie, parang mahimatay rin ako nung nasa harapan ko na sila. Mabilis akong hinawakan nung dalawa sa magkabilang braso.

"Kayong bata kayo ah, pinahabol niyo pa kami. Nakakapagod!"

I gritted my teeth in annoyance at walang pandalawahang isip kong sinipa ang kayamanan nung matanda na sana ay bubuhatin niya si Melanie.

"Tangina kang bata ka ah?" Isang malakas at masakit na sampal ang nakuha ko mula sa lalaking katabi ng humahawak sakin. Dahil doon ay may natikman akong kaunting dugo.

"Wala kang respeto ah?" Dumura ako ng dugo.

"You four don't deserve to be respected, you mother fvckers." Dahil sa galit ko ay hindi ko mapagilan ang magmura. Mas lamang pa yata ang galit ko kesa sa kaba at takot.

"Tanginang bibig yan ah."

Piniga nung isa sa kanila ang balikat ko kung saan nandoon ang aking sugat. Halos mahimatay ako dahil sa ginawa niya. Idagdag mo pa ang mga galos at pasa na nakuha ko na galing doon sa rooftop ng eskwelahan. Walang katapusan akong napahiyaw sa sakit. Kakagamot lang sakin pero ito na naman.

"Yan ang bagay sa-"

His sentence was cut when I heard two screeching black cars stopped in front of us. Napasingkit ang mga mata ko dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng mga ito. Mabilis ang nangyari. May lumabas na dalawang pigura sa isang kotse at isa naman sa isa.

"Move away from those innocent girls, sirs."

Ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan silang lumapit samin at may dala silang baril, nakatutok ito sa apat na matatanda.

Agad akong binitawan nung lalaki at kumaripas sila lahat ng takbo na parang takot na mga aso.

Ang sementong daan agad ang nahalikan ko nung binitawan ako nung matanda. Tinukod ko ang dalawang kamay ko at dahan-dahan na bumangon as I heard footsteps approaching me.

"Hold on there, Rosella." Tinulungan niya kong bumangon. Nakangiwi kong hinawakan ang dumudugo kong sugat sa balikat.

"S-si Melanie..." ani ko sabay turo sa babaeng nakahandusay na walang malay.

"Shiela will take care of her," walang kahirap-hirap na binuhat nung babaeng nakasuit si Melanie.

Katulad nung babaeng nagbuhat kay Melanie, gano'n rin ang ginawa ni gurang sakin. Pinapasok nila kami sa backseat sa loob ng itim na kotse nila. Doon lang din nagising ang walang kamalay-malay na si Melanie.

"W-where are we?" Luminga-linga agad siya sa paligid.

"You're safe now." Kahit na nakangiwi ako ay pinipilit ko pa ring ngumiti. I'm glad when I said those words to her when we were in that narrow lane.

"O-oh my gosh." Napasinghap siya nang tinignan niya ang buong itsura ko.

"You're shoulder! It's bleeding!" Tinuro niya ang balikat ko kaya naman tinakpan ko ito ng kamay ko. Ang hirap, nakayellow pa man ako kaya kita talaga.

"Don't mind me." One day, masasanay rin ako sa ganito.

Tumingin ako sa harap nung pumasok na si gurang at yung kasama niyang babae.

"Woah, and who are you two?" Inosenteng tanong ni Melanie. Lumingon naman samin ang babae. What the heck? What's with those sunglasses? Gabi kaya ngayon, nakakakita ba siya?

"We are the saviors of this cruel world." Sabi niya na may dalang matalinghagang tono. Wala sa oras na napasandal si Melanie dahil doon. Her voice was deep, almost it was sounded like a man's voice. She's intimidating, alright. And also, the shape of her face is kind of familiar.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon