[ 21 ] Omit The Last Breath

68 6 0
                                    

Nang marinig namin ang sigaw ni Kylie ay umaksyon kami kaagad. Iniwan namin ang mga gamit do'n at halos magkandarapa kaming pumasok sa cottage namin at isang napakamatinding panindig balahibo ang nadatnan namin.

Sino ang hindi magugulat? Pagpasok mo bubungad sayo ang isang duguang katawan ng babae sa sahig. Nakabukas pa ang mga mata nito, may suot pa ito ng isang plastik na korona sa ulo nito.

At ang mas nakakagulat do'n ay siya yung babae nakita ko sa... vision ko.

I know it's impossible but the proof of what I saw in my vision is now here, in front of us with my own two eyes.

Is it possible that maybe- the one I'm thinking right now is the one who killed this lady?

Meron pa akong isang problema. Kapag talaga nagkatotoo ang iniisip ko- then, I'll damn scared for life.

Tinignan ko ang paligid. Wait a sec, something isn't right here. Nilibot ko ang aking paningin sa loob.

"Hindi ito ang cottage natin."

"What?" Tumingin ang ilan samin sa paligid.

"Oh my gosh!"

"Then lumabas na tayo before someone could get insi-"

"Trixie! Ano ba?! Ba't ang tagal mo namang lumabas?!"

"Yeah! Like hello? We've been waiting for like 30 minutes do'n sa bea-"

Bigla ay may pumasok na dalawang babae. Nagtaka naman ang mga mukha nila nang tignan kami.

I don't believe it. They're my second evidences.

"And who are you guys?" If I'm not mistaken, siya si Reina.

"May permission ba kayo para pumasok sa cottage namin?" And she's Pauline.

Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa, hindi alam ang sasabihin.

"Maybe some friends of Trixie?"

"Wala naman siyang sinabi na may dadalo,"

"By the way, did you guys see-" napatigil sa pagsasalita ang isa sa kanila at napunta ang tingin niya sa walang buhay nilang kaibigan.

"Oh my God!"

"Trixie!" Tinabig ako ng isa at dali-dali siyang pumunta sa walang buhay niyang kaibigan. Napaluhod naman ang kasama niya and tears are slowly showing from her eyes.

"N-no,"

"Trixie! Gumising ka! Trixie!!"

Bigla ay marahas na tinulak ni Reina si Shiana. Siya kasi ang mas malapit sa bangkay kanina. Mabilisan naman silang inawat ng boys. Damn, magiging malaking gulo ito para samin.

"Bitawan niyo 'ko! Mga wala kayong awa!" Pagwawala nito, buti nalang ay inaawat siya ni Devio.

"Humanda kayong lahat!"

Lumingon ako kung nasaan si Kylie at nakita siyang dinadaganan siya nung isa at sinasabunutan. Mabilis akong lumapit sa kanya at inawat si Pauline papalayo kay Kylie.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon