[ 23 ] Uneven

78 6 0
                                    

Mabuti nalang at sembreak ngayon. Kating-kati na akong makita kung ano ang nangyari sa nakita ko kahapon. Mabuti nalang talaga ay may CCTV sa daan na 'yun. I need to see what really happened behind to that footage.

But damn, the death I saw to that guy's eyes last week was true. Akala ko ay namamalik-mata lang ako. Ayaw lang mag-sink in sa utak ko kaya hindi ako naniwala but now.

Maaga akong nagising, naligo muna ako at nagbihis panglakad. Dinala ko rin ang jacket ko dahil medyo makulimlim ang langit, parang kahit anong oras ay babagsak na yung ulan. Nilakad ko ang daan patungo sa dinaanan ko kagabi.

Automatic na kumilos ang katawan ko na magtago sa pader. May mga sasakyan ng pulis na nakaparada. Sumilip ako pero hindi ko makita kung ano ang nangyayari dahil may mga taong nagkukumpulan, humaharang sa tinitignan ko.

Halos lahat sila ay nakapantulog pa ang suot. Ang iba ay may twalya sa ulo, meron ring nakatapis lang at babae pa siya! Aba? Yawa.

I put my hood up, covering my face. I walked towards the crime scene with my head bowed down slightly.

Nagpamulsa ako. Hindi ako makakasiksik dahil panigurado ay magagalit ang mga matatanda na humaharang sa harap ko. Baka sabihan pa ako na walang galang. I sighed. Aalis na sana ako ng may humawak sa balikat ko.

"Ah, my colleague is here." Halos tumigil ang buong sistema ko nung marinig ko ang boses sa nagsalita mula sa likod ko. Dahan-dahan ko siyang hinarap.

"Siya ang kasama mo, sir?" Ugh! This man, kailan ba ako nito tatantanan?

"That is indeed correct, is there a problem officer?" Napakamot ng ulo ang pulis.

"Para kasing napakabata niya pa maging isa sa inyo. At bakit hindi siya nakabihis?"

"She's one of our trainees officer, she's still processing her skill though. And why she's not dressed in her uniform? It's because someone didn't told her about this case, that's why."

"Ganon ba? Oh sige, kayo na bahala sa kasong ito, Inspector Gene."

"Thanks sir, you can count on us." Nakangiting sagot nito at umalis na yung pulis.

"Wow, really? Inspector?" Bungad ko agad sa kanya.

"Hindi ka lang detective, inspector ka pa." He chuckled.

"I'm just in disguise." He said as he fixed his trench coat.

"Why are you here?"

"Ako pa talaga tinatanon mo n'yan?" Natatawang sambit ko.

"Yeah, so why are you here?"

"Dahil dito ako nakatira."

"Really? Because I perfectly remembered that you live about 10 blocks, two turns on the right and three turns of the left away from here." Napatahimik ako sa sinabi niya. Wow, paano niya nalaman ang daan papunta sa bahay? Is he stalking me?

"No need to tell me that I'm a stalker. It's normal because I'm a detective."

"And also inspector."

"Yup, also inspector." Hindi ko maiwasan na mapaikot ng mata.

"How old are you really? Kung magsalita ka ay parang isang teenager."

'Gurang ka na ba talaga?'

'Yan pa sana ang idadagdag kong tanong kaso baka magalit si gurang. Pero hindi ko talaga alam kung gurang ba talaga siya.

"Nahula mo na noong nakaraang araw lang Miss Escobardo." Tinignan ko siya mula ulo hanggang ulo.

Aba malay kong tama pala ang hula ko, akala ko nagsisinungaling siya.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon