[ 5 ] Coincidence

302 79 12
                                    

• • • • •

“Nakita mo ba kanina ang balita?”

“Huh? Anong balita ba?”

“Yung bar malapit sa St. Scholastica Elementary School,”

“Bakit? Anong meron?”

“May dalawang waitress daw na namatay.”

“Hah?! Kailan lang?”

“Kahapon, binaril daw.”

Naging trending dito sa school ang balita tungkol sa nangyari sa bar na pinagtatrabahuan ni Kystella.

Anyway, ang mahalaga ay naniwala siya sakin. Hindi siya namatay o kahit nasugatan man lang. Mabuti at pinaniwalaan niya ako. Bahala na kung tatadtarin niya ako ng mga tanong. Everything has it’s own reason ika nga nila, so ang gagawin ko lang ay magsinungaling sa kanya.

Aakyat na sana ako ng may narinig akong takbuhan sa likod ko. Dahil sa kuryusidad, sinundan ko sila. Teka, patungo sila sa bulletin board. Pagdating ko doon ay marami nagkukumpulang mga estudyante.

Lumapit ako at may nakitang mga picture. Hindi ko mawari kung ano ang nakapaskil na mga litrato pero ang iba sa kanila ay gulat. Meron ring iba na nandidiri pa. Ang iba ay may ngisi na pinipikturan ang litratong ito, may babae pero karamihan sa kanila ay lalaki. Ano bang pinipikturan nila?

Nakipagsiksikan ako at nagsalubong ang mga kilay ko nung malinaw na nakita ko ang nakapaskil na mga litrato. Si Kystella, nasa loob siya ng bar at nagtatrabaho. Ang ibang litrato ay may dala-dala siyang tray, ang iba naman ay nakangiti niyang sinisilbihan ang mga customers.

Masasabi kong hindi ito edited dahil mukhang eksperto ang kumuha. Ang gaganda pa ng angle kaya hindi mo maiiwasan na ang mabuti at walang malisya mong ginagawa ay naging kabaliktaran ito.

“Ang nagmamaldita pala ay pokpok."

“Eww, akala mo kung sinong maganda. ‘Yun pala pokpok.”

“Sabi-sabi daw eh isa siya sa mga binaril sa bar na ‘yan.”

“Huh?! Edi deds na siya?!”

“Ewan.”

“Grabe pre, hindi ko akalain na sexy pala ‘tong si Kystella.”

“Oo nga eh, ang ganda ng hubog ng katawan niya.”

Grabe talaga ang mga estudyante dito. Ang tatalim ng mga dila. Hindi na ako nagulat. Tsk. Wala talagang sikreto na hindi nabubuyag. Aalamin at aalamin nila para masira ka sa paningin ng iba. Bahala sila d’yan, wala na akong pakialam kung pagpyestahan nila ang litrato niya. Sila na ang bahala humusga.

Umalis na nga ako doon, hindi ko na kaya makipagsiksikan sa mga walang modo at walang hiya. Liliko na sana ako nang marinig ko ang pagsinghap at tili nila. Ano na naman ba ginawa nila?

Lumingon ako at nakita ko ang hindi makapaniwalang itsura ni Kystella habang nakatingin sa malaking bulletin board. Gulat at inis ang makikita mo sa mata ng mga nagkukumpulang estudyante. Akala siguro nila isa sa mga namatay si Kystella kaya ganon nalang ang ekspresyon nila. Nagtago ako sa pader, hinihintay ang susunod niyang gagawin.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon