[ 51 ] H2P

43 3 0
                                    

ROSELLA'S POV

The quiet atmosphere of the area makes me at peace. Tumayo ako ng tuwid sa pagkakayuko at tinignan ang magandang tanawin sa labas. Katamtaman lang ang init ngayon kaya ang ganda sa pakiramdam. Sun rays hitting through the open windows as I feel the warmth coming from it.

A really good day to clean the apartment.

Pagkatapos ng matagal na minuto kong tinitigan ang tanawin sa labas, I got disturbed while cleaning the living room by a sound coming from my phone. May tumatawag yata but I don't know who could it be. Tinabi ko ang walis tambo at ang dust pan, lumapit sa sofa at tinignan ang pangalan ng tumatawag.

Gurang is calling....

It's Detective Eugene. Sumalubong ang dalawang kilay ko na tinitignan ang pangalan niya. Why is he calling me in the middle of my cleaning time, bad timing I must say. I sighed in frustration at sinagot ang tawag niya.

"Atlast, you answered my call. Kanina pako tawag ng tawag. What's up with you?" Wala sa oras akong napaikot ng mata at umismid. Ganda naman ng bungad niya sakin.

Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga at tinignan ang screen nito, hindi pala ito nakasilent. Nakalimutan kong isilent gayong sinasilent ko ito kapag naglilinis ako.

"Hello to you too," sarcasm was all over my voice.

"Oh sorry, hello Rosella." Narinig ko ang pagtawa niya ng marahan, but I don't feel any sorry or embarrassment in his voice. Hindi ko alam kung kailan tutubo ang mapagkumbaba nito. Baka hindi na yata dahil halatang walang pag-asa.

"What do you want," wala akong idea kung bakit siya napatawag pero panira siya ng paglilinis ko ngayon. Alas nuwebe ng umaga pa nga lang, ang aga-aga pa niya para iritahin ako. Kontrabida talaga siya sa bubay ko. Kakatapos ko pa nga lang kumain ng breakfast, wala pa ngang isang minuto ang paghawak ko sa walis tapos may tawag agad akong nakuha mula sa kanya.

"It's early in the morning and you're this moody now?" He asked as I heard a light laugh from the other side of the line.

Kailan ba ako hindi naging moody sa kanya? At hindi mood ang tawag do'n, pagpapakatotoo 'yon sa sarili. Hindi ko naman kailangan magpaka-plastic pa dahil wala naman akong dahilan na gawin 'yon. He's a detective, magtataka siya if why am I lying to my real emotion and hiding my true feelings tapos ngayon na pinapakita ko ang totoong ako ay magrereklamo siya?

This is why I hate him, kasalanan niya rin naman. Looking through his eyes, seeing nothing which makes my stare just a normal look- I hate the feeling of it. It makes me vulnerable, misteryoso sakin kung bakit hindi ko makita ang kamatayan niya. Hindi ko siya kinukulit because it's not my style being a nuisance to other people.

At isa pa, kung tatanungin ko man talaga siya, binibigyan niya pa ako ng matalinhagang sagot kesa sa diretsuhin nalang ako. He likes it, being so mysterious to other. That's what he wants people to view him. Psh! And it's damn irritating me because it really works.

"Kung wala kang matino na masabi, I'll end the call." I threatened him. Tumawag ba siya sakin para lang inisin ako? As far as I know, it's easy as pie to block a contact number. Hindi 'yon mahirap para sakin, I even blocked Kylie's number which is was one of the hardest decision to make. But that was all in the past now, let's leave it behind.

"Okay, okay wait. Spare me a few minutes of your time, this is important." Sumeryoso ang boses niya.

Lumapit ako sa sliding window ng salas at binuksan ito, a warm breeze of the wind kissed my skin. Pinatong ko ang aking braso sa maliit na space sa may bintana at sinandal ang itaas na bahagi ng aking katawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon