[ 8 ] Inscrutable Letter

215 56 6
                                    

- - - • •

"Haaay! Ang bibigat naman ng mga bag niyo! May mga bato ba sa loob nito?!"

"Alam mo Lie, napakabungangera mo."

"Huwaw! Nagsalita ang hindi."

"Don't compare me to yourself. Mas mataas ang level ko kesa sayo."

Nabaling ang atensyon naming tatlo sa bagong pasok na dalawa. Mula ba nung umalis sila dito ay nagbabangayan pa rin sila? Padabog nilang inilagay ang mga bag namin.

"Alam niyo, ang iingay niyong dalawa." Ani Tyrone.

"Shut up!" sabay na sigaw nila sa kanya. Tumaas agad ang dalawang kamay ni Tyrone, tila sinasabi nito na nagsusurrender siya.

"Guys, please awat na." nahagip ng mga mata ko ang dalawa pang papasok. Si Mev at Azra, may dala rin silang bag. Siguro dito rin sila maglulunch kasama nila. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin si Mev sakin at ngumiti.

"Ro!" masiglang tawag niya sakin sabay akbay. Bigla naman akong nainis pero pinipiglan ko lang ilabas. Feeling close talaga ang isang 'to.

"Oy Tyrone, sa'n ka pupunta?" tumigil sa pagbabangayan ang dalawa at natuon ang atensyon sa kanya.

"Bibili lang ako ng tubig sa caf." Sabi niya at lumabas.

Kinuha ko ang pagka-akbay ni Mev sakin at sinukbit ang bag ko. Aalis na 'ko, do'n nalang ako sa library manananghalian. Mas masaya kung wala ako dito. I'm just an outcast here, nothing more.

Tumayo na ako at tinungo ang pinto.

"Woi Ro, bibili ka rin ba ng tubig?" huminto ako at umiling.

"R-Rosella, hindi ka sasama maglunch samin?" tanong ni Von kaya umiling ulit ako.

"Huh? Bakit?" ngayon naman ay si Kylie na ang nagtanong. Marahan akong lumingon.

"May pupuntahan ako." Sabi ko at tuluyan nang lumabas.

Ayoko silang maistorbo. Tatahimik lang naman ako sa isang sulok, hindi nila ako papansinin kaya mas mabuti nang umalis nalang ako doon kesa pilitin ang sarili sa isang grupo na hindi ka naman kailangan. Wala naman silang mapapakinabangan sakin. Things will get better kung hindi ko sila kasama. No connections attach.

Tinahak ko ang daan patungong library. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko. Masama ito. Hindi ako pwedeng makihalo-bilo sa kanila. Kapag iiwasan ko naman sila ay nandyan si Mev para kulitin ako. Hindi pa nila ako lubos na kilala at wala akong balak na ipagsabi sa iba ang pinakatagong sikreto ko.

Huminto ako sa paglalakad nang pumasok ang isang tanong sa isip ko.

Paano kung may nakakaalam ng sekreeto ko?

Well, I'll be more careful this time. Buti nga hindi na ako nilapitan ni Kystella para mapag-usapan namin ang matatamong kamatayan niya sana. I hope she fully forgot about that. Dahil kung hindi, hindi ko alam ko kung ano ang tamang salita ang ilalabas ko saking bibig.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may isang tao na makaalam sa sikreto ko. I'm sure that he or she will take advantage of it. Hindi, hindi pwede. Walang maaaring may makaalam ng sikreto ko, kahit pa sa mga taong malapit sakin.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungong library. I can finally be alone even it's just a short period of time. I'll be in my inner peace.

Pumunta ako sa pinakadulong bahagi ng library at do'n naupo. Ang likod at kaharap ko ay isang malaking bookshelf, only for one person ang inupuan kong table. Nilabas ko na yung lunchbox ko, nagsign of the cross muna at sinimulang kinain ang pananghalian ko. Katabi ko ay ang bintana kaya nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa loob.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon