[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1

52 2 0
                                    

EUGENE'S POV

"Y-'Yon na po ang lahat kong masasabi." I nodded in agreement as I put the ballpen in the small, pocket-sized notebook between the pages I wrote of some important notes.

"Thank you for cooperating with me Ms. Navarro, you can go now Miss." Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang balikat. Tinago ko na ang aking hawak sa bulsa ng aking suot na kulay gray na trench coat.

Itinuon ko ang pansin sa crime scene. May mga police investigators na ang nandidito. My friend Joel also insisted na kahit hindi na daw ako pupunta dahil kaya naman nila without me helping them. Pero mas matigas ang ulo ko kesa bato. But I'm here not because I want to help them.

Lumapit ako kay Joel na kaibigan ko mula pa noon at pumasok sa crime scene kung saan may pumapalibot na yellow police line tape. Lumihis ang tingin niya sakin na kanina ay nasa walang buhay na katawan ng isang batang babae. Tumayo siya sa pagsa-squat na pag-upo.

"Any news, Gene?" my lips curved, not sure on how to reply his question.

"No, I only had to hear her alibi."

"Tapos?" Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"She's innocent." Ngumiti siya sabay umiling na ikinataka ko.

"Still the fastest, Gene. Wala ka pa rin pinagbago since high school." I can't avoid but to chuckle at his statement.

Now that he mentioned about it, I can still clearly remember on how we met when we we're high school.

I was the called the Eye God in school, si Joel ang nagpasikat ng alias na 'yan. I was the star and I love that feeling. I can even see every small details of what my eye might find.

Why? Because they didn't know that one specific thing about me. A secret that I could never tell to those who's untrustworthy people in my eyes.

"Sino ang kumuha ng ballpen ko dito?!" I ignored the exclaimed of one of my girl classmate. Why would I care? It's just a ballpen, edi bumili siya ulit. Grabe, kahit nagsa-soundtrip ako ay narinig ko pa rin ang sigaw niya.

"Aba ewan ko sayo. 'Yan kasi, kung saan-saan nilalagay kaya nawala. Kasalanan mo rin naman." Exactly. Kung importante pala sayo ang isang bagay, bakit mo ito iwawala?

"Naman oh! Nakakainis letse, bibili na naman ulit ako sa canteen. Micai, samahan mo nga ako." I opened my eyes as I turned my gaze to her. Umalis na sila kasama ng isa pa naming classmate na babae. Inikot ko ang aking mga mata.

Nakabusangot na mukha akong tumayo at pinuntahan kung saan siya nakaupo. I squatted as I find some proofs so that it could lead me to the culprit.

Habang naghahanap ay may nakita akong maliliit na crumbs ng biscuit. Napatingin ako sa chubby naming kaklase na tahimik nakaupo sa upuan niya, isang pagitan lang sa upuan nilang dalawa habang kumakain ng isang biscuit at nakatuon ang mga mata sa cellphone.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa ilalim ng upuan niya, may nakita akong isang pentel pen na nayupi. Kinuha ko ito saka tinitigan ng maigi. May nakalagay na pangalan, Micaela Lorezo.

"Hoy Rex! Takte ka! Ibalik mo sakin 'yan!" Dumaan ang dalawa kong kaklase sa likod na ngayon ay naghahabulan. Sinundan ko sila ng tingin habang hinahabol nung babae kong classmate ang mokong na Rex. Nakataas sa ere ang kamay na may hawak na cellphone na sa tingin ko ay cellphone nung babae. Napatango-tango ako, slowly revealing the truth.

Napabuntong hininga ako. Kilala ko na kung sino ang kumuha. Habang naghahabulan sila ay tinawag ko ang isa sa kanila. Natigil agad sila sa paghahabulan.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon