[ 45 ] New Recruit

49 4 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Nganga.

Yan ngayon ang current position ng bibig ni Eugene, nakanganga ng malaki ang bibig nang makita niya ang loob ng isang pintong nakatago at nakacamouflage sa kulay dirty white na pader. Hindi yun inaasahan ni Eugene, sobra siyang namangha sa teknolohiyang meron dito sa building.

Kung ano man ang ginamit nilang teknolohiya ay nakakamangha. This is the first time na namangha siya ng tudo, pakiramdam niya nga ay lahat ng bagay na makikita niya dito ay napapanganga pa rin siya. Anong magagawa niya dahil hindi niya maiwasan na ma-excite.

Pumasok sila sa elevator na tahimik nakatago sa pader. Oh, akala niyo lab na agad ni Dr. Luo ang luluwa sa likod ng secret door na ito? Nope. Hindi dahil nasa basement floor pa nakalocate ito.

Para itong isang secret base kapag may nangyaring masama sa mundo at bilang lang ang mga taong pwedeng pumasok. This is obviously a restricted area.

Pumasok na sila sa elevator. First time makapasok si Eugene kaya naman napahawak agad siya sa handrails nito nung bumaba ito. Kinabahan siya bigla kasi akala niya ay nahuhulog sila, yun pala ay pababa lang sila. Wala tuloy siyang oras napatayo ng maayos ng mapansin siya ni Dr. Luo.

Nataranta naman agad ang doctor saka niya ito nilapitan. "Hey, hey, are you okay kid?"

"O-Okay lang po, nanibago lang."

"You haven't been to an elevator before? Is this your first time?"

"Opo, lahat po yata na makikita, mahahawakan at masasakyan ko ngayon ay first time ko ngayong araw." Medyo nahihiyang sambit niya. Hindi naman niya kasalanan na pinanganak siyang mahirap. But he's too fortunate to have been accompanied by a kind and wealthy man to see behind the world of riches. This is his luckiest day that ever happened.

'Ahh, ganito pala ang tinatawag nilang elevator. Pangmayaman talaga ang dating.' Aniya sa kanyang isip.

Imagine, mula ka sa isang mahirap o may kayang pamilya tapos pupunta ka sa isang pangmayamang lugar? Sino ang hindi maa-awkward-an? Hindi niya pa yan nai-imagine pero hindi niya expect na mangyayari ang araw na yun. At ang araw na yun ay ngayon.

"That's okay, you'll find more things that's new to your eyes when we're in the lab." Ngumiti nalang si Eugene bilang pagtugon. Kinakabahan siya, ewan niya ba siguro ay sobrang excited lang talaga siya.

Parang naaasik na siyang makahawak ng mga gamit ng dream job niya sana. Kung yun ay papalarin siya na makukuha sa hinaharap ang pinapangarap niyang trabaho.

Nung naramdaman niyang tumigil na sa pagbaba ang elevator, lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kanina pa hindi makukuha ang excitement sa dibdib niya. Kasalanan ba niya na ngayon nalang ulit niya ito naramdaman? Puro kasi sakit at pighati ang nararamdaman niya palagi kapag nasa bahay siya nila.

This is going to be one of the unexpected events he will witness in his life. A grandeur opening for a grandeur place.

"Eugene, I welcome you- my laboratory." Bumungad sa kanila ang sobrang liwanag at malawak na corridor.

May kung anong gumalaw sa tyan ni Eugene na hindi niya kayang pigilan, hindi siya makagalaw sa kanyang tinatayuan at parang nastuck ang kanyang mga paa. Umatras rin ang kanyang dila, siguro ang gagawin niya nalang palagi ay mag-nganga habang buhay.

Hindi niya nalang isasara ang bibig niya tutal lahat naman ng nakikita niya dito sa loob ay nakakanganga ng bibig. Kanina pa kasi hindi mapipinta ang mukha niya sa gulat.

"Tara, we don't want to waste our time just standing there aren't we?" Doon lang natinag ang kaninang wala sa tamang katinuan niyang pag-iisip. Lumunok muna siya sabay yuko. Pinagmasdan niya ang kanyang mga paa kung paano ito tumapak sa puti at kumikinang na sahig.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon