[ 2 ] Irksome Guy

541 135 29
                                    

• • - - -

Agad akong namulat at bumungad sakin ang cellphone kong nasa nightstand na katabi lang ng kama ko. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at hinarap ang kisame ng kwarto ko.

Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya doon? Kahit wala na siya ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.

Napaginipan ko na naman. Paulit-ulit ko nalang ito napapaginipan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na. I'm still haunted of what happened that day. May pag-asa pa ba o panghabang buhay na itong gambalain ako? Pinatong ko ang braso ko saking noo.

"Ma,"

Tumingin ako sa bintana. Madilim pa pala. Inabot ko yung cellphone ko sa nightstand at in-on ito. Bumungad sakin ang nakakasilaw na screen nito kaya bigla akong napalayo at napapikit. Nang mahimasmasan ako ay tinignan ko ang oras nito, 4:49 pa lang ng umaga. Kaya pala medyo madilim pa. 7:30 pa ang klase ko at ala singko y medya ako bumabangon.

Binalik ko na ulit sa pwesto ang cellphone ko tsaka bumalik sa paghiga— thinking about the day when 'that' happened. Kung hindi sana kami sumakay sa bus na 'yun, kung sana ay sinunod niya ang sinabi ko, sana buhay pa siya ngayon. Sana ay ligtas pa kami ngayon at masayang namumuhay bilang isang pamilya.

Mom, I miss you.

Doon ko nalaman na may kakayahan pala ako makakita ng pagkamatay ng isang tao. Kung ano ang dahilan ng pagkamatay nila, kung paano sila mamamatay.

This ability of mine is a curse. I am cursed.

Isn't ironic? Makikita ko kung paano mamatay ang iba pero sarili kong kamatayan ay hindi ko malaman kung kailan at paano ito mangyayari.

Can I consider my self fortunate? No. Para sakin malas ako. Malas ako dahil sa takteng kakayahan ko na ito. Dahil may ganitong kakayahan ako ay nakikita ko kung paano mamatay ang isang tao.

Sa dinami-dami ba naman ng tao sa buong mundo, bakit ako pa? Ako pa yung napili na binigyan ng ganito kakayahan. No, this is not a gift. Okay sana kung makita ko ang future, o kahit na mabasa ko ang isip ng isang tao pero ito pa? Ito pa na makikita ko kung paano sila mamamatay? Kung paano magkalusog-lusog ang mga kawawang katawan nila?

Kaya simula noon, hindi na ako tumitingin sa mata ng mga tao. Nakakatakot. Baka maulit na naman aksidenteng 'yun.

Sana pala ay sumunod nalang ako sa kanya. Sana pala ay kinuha nalang rin ni kamatayan ang kaluluwa ko. Minsan pumapasok sa isip kong magsuicide. Sa rooftop ng school ako nagpaplano.

But everytime I go there, I was mesmerized by the view. Lalo na ang langit at ang mala-cotton na mga ulap. Sabi ko, siguro ayaw pang bawiin ng kalikasan ang sarili ko kaya niya ito pinapakita sakin.

Maybe that's why, life is beautiful they said. Only the society makes the world ugly.

Kahit anong limot ko, kahit anong baon ko, I'm still haunted by that nightmare. Ang palangiti at masayahin kong loob ay parang naglaho bigla. In just a flick and swish, wala na akong nararamdam kundi lungkot at kadiliman. I'm a mama's girl at close na close kami ni mama.

I turned into a cold person. A loner, weird and a freak.

If I will see death, hindi ako magdadalawang isip na itrade ang kaluluwa ko kapalit ang pagkabuhay ni mama. But I know, it will never happen.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon