[ 39 ] Calling On Their Way

46 2 1
                                    

I have no choice. Me and him decided to call sir Eugene to help us find who threatened us. He's a professional so kailangan talaga namin ang tulong niya.

I'm not that I'm against or angry to him just because I call him gurang, he's like a brother to me now dahil aaksyon agad siya kapag kailangan ko ang tulong niya.

Or maybe that's just how his profession works.

To be honest, ayaw ko sanang makaistorbo sa kanya dahil kahit na mataas ang rango niya sa trabaho niya ay marami pa rin siyang inaasikaso. I also think na dahil mataas ang rango niya, he's maybe shouldering all the cases that his boss wants to assign him. Kaya nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko siya.

But Tyrone insisted dahil siya lang ngayon ang pagkakatiwalaan namin. Gusto niya ay matapos na agad itong kaso namin dahil tulad ko ay ayaw niya rin madamay ang mga kaibigan namin. We need to find whose behind this ASAP.

And also, his friend sir Joel, the police. Mabuti nalang at sabado ngayon so the four of us meet up at a different café. Malayo ito sa school, we're just assuring what's good for us dahil baka may makakita o may mapamilyaran sa mukha namin if ever na magmeet up kami malapit sa school.

Nandito na ako ngayon sa café na tinutukoy ni sir Eugene. Pumasok agad ako, nag-order ng maiinom at kinuha ang pwesto malapit sa bintana. Nagtext siya sakin at papunta na daw siya dito kaya naman tumingin nalang ako sa bintana para magmasid-masid sa paligid.

I assumed na dala niya ang kotse niyang itim kaya mahuhula ko agad kung nakarating na siya. After five minutes of waiting, nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext at mula ito sa kanya.

From: Detective Eugene (gurang)
Pumasok ka agad kapag may nakita kang puting kotseng na bumaba ang bintana

Naningkit agad ang mga mata ko sa text niya. So we're completely in a stealth mode huh? Well, this case is pretty serious though.

Tumingin ako sa labas at may nakitang apat na puting kotse na nakaparada. What the hell? Bakit kasi puting kotse ang dinala niya? Akala ko ba itim? Kulay black lang naman ang alam kong kotse niya.

Tig-isa isa kong tinignan ang apat na kotseng nakaparada sa labas. What a coincidence it must have, apat na puting kotse pero magka-iba ang brand. Kahit sana sinabi niya nalang ang brand para makapasok agad ako at makaalis na dito.

Muntik na akong mapamura nung sabay ang dalawang kotse na bumukas ang kanilang bintana. Yung isa ay nasa back seat, yung isa naman ay driver's seat. Hindi ko alam kung saan ako papasok sa kanila so I decided to ask him through text.

I was about to type when I saw a hand holding a cigarette came out from one of the windows. Tumingin ako doon at hindi na tinuloy ang gagawin ko. I tsked, being irratated as I stood up and made my way out to the exit of the café.

Nilapitan ko ang kotseng papasukin ko ng bigla nagsara ang bintana nito. Aba, sinarhan pa ako. Gusto ko sana icheck kung tama ang nilapitan kong kotse but it seems like it though. Hindi na ako nagtumpik-tumpik pa at pinasok ito.

"Okay, we're all set. Let's go to my place." Bungad sakin ni gurang ng makapasok ako. So tama nga ako, nandito na si Tyrone.

"What? To your place? Akala ko ba ang usapan natin ay sa isang private restaurant tayo mag-uusap?"

"I want to tell both of you something private as well, actually super private, a confidential information." Sabi niya sabay start ng engine at nagsimulang magdrive.

What could it be? Connected rin ba ito tungkol sa kaso naming dalawa ng kasama ko?

"Tyrone already agreed to talk this matter in my place, so wala ka ng magagawa. Majority wins." Saad pa niya at nakikita ko sa rear view mirror ang nakadikit na ngiti sa labi niya. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon