[ 15 ] Rummaging Pieces

137 25 7
                                    

• - - - - . • • • • •

Minutes had passed, we can hear a faint approaching sound of sirens coming from a police car. Umalis muna ang mga magulang ni Devio para papasukin ang mga pulis na bagong dating lang.

Napatingin ako sa tatlong tao na sa tingin ko ay kaibigan nung ate ni Devio. Nakaupo na sila ngayon at walang humpay pa rin ang pag-iyak ng babae. Hinahagod naman ng lalaki ang likod niya, pinapatahan. Ang isa naman ay nakayuko lang, tila malalim ang iniisip.

“Ano ba talaga ang nangyari dito?”

“Hindi namin alam. Nagkukwentuhan lang naman kami ng marinig namin ang sigaw ng ate ni Devio.” Sabat ni Kylie. Nilingon ni Shiana ang ulo niya sakin.

“Rosella, diba narinig rin natin yun?” tumango ako bilang sagot.

“Saan ba kayo nagpunta?”

“May gustong asikasuhin si Devio. Sakto naman at nakita ako ni Shiana kaya sinama niya nalang ako sa kanya para tulungan si Devio sa ginagawa niya.” Yun nalang ang naging palusot ko.

Lalapit na sana ako sa bangkay nang makarinig ako ng sigaw mula sa malayo. Inilingon ko ang ulo ko doon at nakita ang mga magulang ni Devio na may mga kasamang pulis, papunta sila dito ngayon.

“Everyone! The party is over!” Sigaw nito kaya naman unti-unting nagsi-alisan ang mga pumapalibot na tao sa walang buhay na katawan ng biktima. Kaya agad na umaksyon ang mga pulis.

Teka, pinapaalis nila ang pumatay sa biktima eh.

“Hey kids, kasama rin ba kayo sa nangyaring krimen dito?” tanong ng isang pulis samin nang makalapit siya.

“Bisita lang rin po kami dito." 

“Hindi po namin kilala ang biktima. Ang namatay po kasi ay boyfriend ng ate ng kaklase namin.”

“Sino 'yang kaklase mo ang at kapatid niya?”

“Si Devio po kaklase namin at si ate Deina naman po ang ate niya.”

“Where are they now?”

“Sa loob po ng bahay nila,” sabat ni Shiana. 

“Sir, we could help you.” Biglaang sambit ko. Alam kong ang ilan sa kanila ay gulat, baka nga lahat sila ay nabigla rin sa padalos-dalos kong pagdesisyon.

“No need, mga bata pa lang kayo. At diba sinabi niyo na rin sakin na wala kayong kinalaman sa krimen?" Ilang sandali naghintay ang pulis sa pagsagot ng iba. Hindi makaimik dahil totoo naman talaga ang sinabi niya.

“Correction sir, hindi kami mga bata kundi mga high school student na.”

“Even so, ayaw niyo naman sigurong madamay?"

“But sir, we are sincerely want to help. Bilang kaklase ay tutulungan namin siya na alamin kung sino ang pumatay ng boyfriend ng ate niya.” I can feel the shocking feeling of the people around me. At alam kong gulat silang nakatingin sakin.

Gusto ko patunayan sa iba na hindi lang kami basta-basta mga bata, we are now teenagers and we’re almost catching to be adults. Maturity is slowly running through our body. Gusto kong tumulong sa kapwa ko na bukal sa puso, hindi para sa kapakanan ko.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon