[ 44 ] Dr. Luo

54 3 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Hindi maikubli ni Eugene ang kanyang kasiyahan sa segundong pagmulat niya. Nag-unat-unat siya pagbangon niya. Pagtingin niya sa orasan nilang may maliit na basag sa gilid nito ay napasimangot agad ang mukha nito. Hindi na siya nagulat nung alas syete ng umaga siya nagising.

Kasalanan niya naman dahil sa sobrang excited niya na sumama mamaya sa mabait na lalaking nakila niya kahapon. Sinampal niya ang kanyang magkabilang pisngi, hindi siya pwedeng tumitig sa oras ng buong araw dahil marami pa siyang gagawin.

As long na humihinga siya ay kailangan niyang pagsisilbihan ang kanyang mga magulang. As usual, ano pa ba ang gagawin niya kada umaga? Same routine pa rin, minsan nga naiisip niya na baka maging habambuhay na ganito ang buhay niya. Another typical day for him again.

Hindi rin mawawala ang paggalit ng mga magulang niya sa kanya. Walang araw na hindi siya pinapapagalitan. Abuso dito, sigaw doon, pinipisikal agad nila ang kanilang kawawang anak sa maliit na pagkakamali lamang.

"Sinaktan ka na naman ba ng mga magulang mo?" Tanong ng uncle George niya habang nilalagyan ng ointment ang mga natamo niyang pasa at bugbug.

"Opo pero nasanay na ako," tinignan niya ang bata. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit nangingiti pa siya sa pinanggagawa ng magulang niya sa kanya.

Napariin ang kanyang paglagay ng gamot dahil sa galit kaya naman nagitla siya nung bigla napangiwi sa sakit ang mukha ng bata. Nagpaumanhin siya.

"Hindi ko nalang ito pinapansin dahil alam kong 'yun lang ang maiisilbi at maibibigay ko sa kanila sa ngayon."

"Yun nga ang problema, ginagawa mo naman ang lahat ng makakaya mo pero ganito pa rin ang trato nila sayo. Dapat nga magpasalamat pa sila na ikaw ang naging anak nila."

'Tss, walang kwentang magulang.' Naiinis man siya ay wala siyang magagawa dahil kapag may masama siyang balak ay alam niyang hindi ito magugutushan ng bata. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng awa sa kanya, ang naging sabat nalang nito ay isang ngiti sa sinabi niya. Pero nakikita niyang nasasaktan rin siya.

"Pupunta ka na naman ba sa City?" Pag-iiwas ng topic ng kasama niya habang pinagpatuloy ang paggamot sa mga pasa nito.

"Ahh, opo. May nakilala po akong mabait na tao kahapon!" Hindi niya maiwasan na itaas ang kanyang kilay dahil sa sinabi ng bata. Bigla sumigla ang tono ng boses niya. Kaunti siyang kinabahan dahil baka nagpapanggap lang na mabait ang taong nakausap niya at kinukutuban siya na may masamang balak ito.

Pero hindi niya nakikita ang takot at kaba mula sa mata ng bata, bagkus ay mukha pa siyang masaya dahil nakilala niya ang tinutukoy nito.

Pinaharap niya ito sa kanya. "Diba sinabihan kita na wag ka basta-basta magtiwala sa hindi mo kilala?" Makikita mo ang pag-alala niya sa bata. Para sa kanya ay tinuri na niyang anak si Eugene at sobrang close nila, minsan na nga silang napagkamalan na mag-ama sila kaya hindi niya mapigilan na mag-alala sa walang kamao-maong bata.

"Pero po totoo ang sinasabi ko. Mabait po siya, nagpakilala pa nga siya sakin eh." Hindi maiwasan na masapo siya sa kanyang noo.

"Nagpakilala lang siya sayo, hindi ibig sabihin ay mabait na ang taong 'yun," wala pa talagang kaalam-alam ang batang kaharap niya sa mundong naranasan niya noong maliit pa lang siya.

Ang mundo niya noon ay hindi malayo sa mundo ngayon. Dahil wala pa ring pinagbago.

"At isa pa, maraming taong nagpapanggap na mabait lalo sa mga batang tulad mo dahil alam nilang-" agad siyang naalimpungatan nung muntik na niyang mabulwag ang pinakatatagong sekreto niya.

"Po? Nagpapanggap na mabait? Pwede ba 'yun?" Mabuti nalang at hindi siya nagtaka kung bakit hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin.

Hindi, hindi pwede. Hindi niya dapat malaman ang ginawa niya noong mga panahon na kasing-edad niya pa lang si Eugene. For fuck's sake he's just a child.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon