[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck

48 2 0
                                    

"Hoy Rosella," tinabig ako sa braso ni ate kaya naman nagising ako sa katotohanan at natuon ang pansin ko sa kanya.

"Tulala na naman. Pansin ko ah, ilang araw ka ng tulala." Naiiling niyang saad sabay inom ng kape niya. Hindi ko siya sinagot dahil alangan naman sasabihin ko sa kanya ang nakita ko 3 weeks ago.

Yeah, 3 weeks na ang lumipas pero hindi pa ito mawala-wala sa isip ko. Mula sa pangyayaring 'yon ay hindi ko na ulit siya nakita. Meron nagsasabi sakin na parang ngayon niya lang nalaman na may abilidad siyang maging invinsible dahil sa pinakitang kilos niya noong araw na 'yon.

"May problema ba? Kung ano man 'yan, pwede mong sabihin sakin." Umiling ako. The event that I happened to witnessed 3 weeks ago is not a kind of thing to tell from anybody.

"Hindi naman ito malaking problema, mga school works lang." Pagsisinungaling ko habang nakatingin sa kapeng tinimpla ni ate para sakin. She stared at me for a second then she nodded her head slowly like there was something off about the word I said. Tinuon ko lang ang pansin ko sa kape, iniiwasan ang titig niya.

"Bilisan mo na dyan, malapit na mag-5:30. Bumihis ka agad." Tumango ako sabay tayo niya papunta sa lababo at hinugasan ang mug niya. Sinawsaw ko sa kape ang hawak kong pandesal na kalahati nalang saka ito kinain ng buo sabay ubos ng kape. Nagtoothbrush agad ako at nagbihis ng pangsimba na damit.

Sunday ngayon at sisimba kami ngayong umaga ni ate. 6 am ang start kaya maaga pa kami nagising ni ate. Pagkatapos naming bumihis ay lumabas na kami at nilock ang apartment. Tiniming naman ni Kylie ang paglabas niya pagkatapos namin lumabas ni ate. Lumapit siya samin at binati kaming dalawa, binati rin namin siya pabalik.

Nilakad na namin ang tahimik na hallway. "Nasa'n na nga pala si Kelizen?"

"Natulog po siya kagabi sa luma naming bahay dahil tinulungan niya po si mama bumili ng mga gamit at appliances para sa bago naming bahay sa isang bagong subdivision."

"So hindi siya makakasabay satin?" Nung nasa dulo na kami ay bumaba kami sa hagdanan.

"Sasabay po siya, papunta na siya dito hiniram niya lang po ang kotse ni mama para gawing service papunta sa simbahan at pauwi."

"Bumili pala ang ate mo ng bahay? Wala siyang sinabi sakin ah."

"Opo, last week lang kaya hindi siya masyadong pumupunta dito noong last week." Tumango-tango naman si ate.

"Kaya pala. Mabuti naman kung gano'n." Napakamot sa ulo si Kylie, parang bigla siya naging problemado.

"Hindi ko po alam kung good news ito o bad news." Saglit akong napatingin sa kanya. What's up with the bad news?

"Ay? Bakit naman?"

"Sabi kasi ni mama after ko matapos ang school year ngayon doon na kami titira sa bagong bahay," nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi na kami magkikita? Patago akong sumimangot. Eto na sana ang panahon kung saan babalik na ang lahat katulad noong dati. Hindi ko inaakala na maghihiwalay na naman kami.

"Eh paano na 'tong building? Ipapasara niyo ba ito?" Paglabas namin ay medyo madilim pa pero pasikat na rin ang araw. Tumawid kami sa kabilang daan, doon kami mag-aantay kay ate Kelizen as Kylie continued to tell the story.

"Ay hindi po. Nag-aalala kasi po siya na baka kung ipasara niya ang building na ito ay wala kayong matitirhan. At saka po, isa kayo sa mga loyal customer ni ate so hindi niya po isasara." Nakangiting saad ni Kylie. Tama si Kylie, hindi ko kaya bumalik sa bahay namin doon. Parang ang mga memories na nandoon ay puro mga masasama at malulungkot kaya pinarentahan nalang namin kesa gibain. Napahawak si ate sa kanyang dibdib and sighed in relief.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon