[ 22 ] The Anonymous

64 4 0
                                    

Halos limang oras nagtagal ang pagbiyahe namin. Nakalimutan namin na nagsismula pala ang rush hour ng 6 am kaya dalawa at kalahating oras kaming nastuck up sa paghihintay.

"Thanks for the ride Dev," I said. Lumabas ako at inalalayan ko ring lumabas sa service si Kylie at saka pumunta kami sa trunk ng van. Narinig ko rin ang paglabas ni Tyrone sa service namin.

"No worries." Nakangiting sabi sagot niya. Tinulungan din ni Tyrone si Dev sa pagkuha ng mga gamit namin ni Kylie. Nang makuha na namin ang mga gamit namin ay kukunin ko na sana ang mga ito nang may biglang kamay na humawak sa hawakan.

"Hatid ko kayo,"

"You don't need to Tyrone, kaya na namin ito."

"Ikaw kakayanin mo pero si Kylie?" Sabay tingin niya kay Kylie na wala pa rin sa kanyang sarili hanggang ngayon. Nakayuko lang siya at naghihintay.

"Please, I insist." Napabuntong hininga naman ako dahil sa kanya, dahil likas na matigas ang ulo ni Tyrone ay pinabigyan ko nalang, tumango ako bilang sagot. Ngumiti naman siya saka kinuha ang maleta ko, isang maleta ni Kylie at ang backpack nito na sinukbit sa balikat niya.

"Dev, ihahatid ko muna sila sa kanilang apartment."

"Sure, I'll just wait for you here."

Kinuha ko ang isa pang maleta ni Kylie at dahan-dahan kaming pumasok sa building ng apartment namin. Una naming hinatid ang mga gamit ko pagkatapos ay si Kylie.

Hiniga namin siya sa kanyang kama. Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang pulupulsuhan ko.

"W-wag mo 'kong iwan please." Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang ibang hibla ng buhok niya na humaharang sa kanyang mukha.

"I won't leave you Kylie, sasamahan ko lang si Tyrone sa labas mabilis lang ako."

"No dito ka nalang Rosel, mas kailangan ka niya dito." Napatingin naman ako sa gawi ng lalaking nakatayo malapit sa pinto. Binalik ko naman ang tingin kay Kylie. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa expression niya ang takot at pangamba.

Naramdaman kong lumapit siya sakin. "Kylie needs your comfort today, lalo na't wala pa dito ang ate Kelizen niya."

"I don't know how to explain things to ate Kel if she'll ask me about Kylie." Hinawakan niya 'ko sa balikat.

"Siguro mas mabuti nalang na sabihin natin ang totoo for the good sake of Kylie."

"Yeah, what choice do I have." Bumuntong hininga ako. Recently, nakakastress ang mga nangyayari sa paligid. Minsan hindi ko kayang ihandle ang mga ganitong bagay pero kinakaya ko para sa kanila— lalo na sa kanya. I hope things will get better soon.

Tumingala ako sa kanya. "How about you?"

"I'm fine, malaki na 'ko at kayang kaya ko ang sarili ko."

"You sure?"

"Of course, mas kailangan ka dito ni Kylie."

"Tutuloy pa rin ba kayo?"

"Yeah, kailangan namin tapusin ang project. Don't worry, your name and Kylie was already listed. Sige, alis na 'ko, mag-ingat kayo dito." Tumayo ako saka siya niyakap.

"Mag-ingat din kayo sa biyahe." I said between our hug saka humiwalay siya.

Tumango ako saka siya umalis sa harap ko. Humiga ako sa tabi ni Kylie at do'n ko lang narinig ang pagsara ng pinto.

Dito nalang muna ako sa kanya, babantayan ko siya hanggang sa makarecover siya sa nangyari kanina. Nang makahiga ako ng maayos sa tabi niya ay kinuha ko ang ibang strands ng buhok niya na humaharang sa mukha niya saka tinitigan ang maamo niyang mukha.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon