[ 19 ] Off-The-Wall

109 11 0
                                    

Can't I just forget what happened last week? Ugh! Nakakainis.

Bumuntong hininga nalang ako. May halong inis akong sumulyap sa pisara, bumubusangot ang mukha habang nakatingin sa boring na discussion ni sir Amiel. Hindi ko na talaga kayang makinig kaya nagdrawing nalang ako ulit. Ginagambala ng babaeng nakamaskara ang isip ko at siya pa rin ang pumapasok sa isip ko hanggang ngayon.

"Cool," napatingin ako sa nagsabi no'n. Tumingin sa unahan ko, kaklase ko pala ang nagsabi no'n. Lumilingon ang ulo niya at sa notebook ko ang tingin.

Dahil sa sinabi niya ay tinignan ko ang drawing ko. What the hell?

"Yet creepy." dagdag niya saka humarap na.

Yeah, it's really cool but also really creepy. Hindi ko pala alam na ang dinodrawing ko ay ang babaeng nakamaskara. Half body pa lang ang nadrawing dahil na nadistorbo ako sa sinabi ng kaklase ko. Sinara ko nalang ang notebook ko saka tinuon ang tingin sa mga sinulat na lectures ni sir Amiel sa blackboard.

~*~

"Everyone, listen up. Dahil ngayon niyo lang napass ang first project niyo this month, idadagdag ko nalang ang ikalawang project niyo." dahil sa sinabi ng guro namin ay lahat ng kaklase namin ay nagsipagreklamo.

"Now, now. Remember students, nakasalalay ang grades niyo dito."

"Ma'am hindi ba pwedeng sa November mo nalang yan ipagawa samin?"

"Hindi pwede dahil second week ang releasing of cards niyo so dapat first week pa lang ng November ay ipass niyo na ito sakin. Line of 7 grade o tatapusin niyo ang projects niyo? Choose." natahimik naman ang buong tao sa sinabi ni ma'am.

"This project I'm giving to you is simple. Magagawa niyo ito ng isang linggo. Two weeks naman ang sembreak niyo diba? Oh, may isang linggo pa kayo para maenjoy ang short vacation niyo."

"Anong project ba ipapagawa niyo samin ma'am?"

"Advertisement Video." pagkasabi no'n ni ma'am ay nagsimula na naman silang magbulungan at magreklamo.

"You have two weeks to make this video, after that send it me directly and I'll grade it. Tutal, 55 kayong lahat it would be 11 members in each group so bale 5 groups kayo."

Nagsimula naman umingay ang room, tinatawag at inaaya na sumali sa kani-kanilang grupo. Ako naman ay nanatiling tahimik lang habang nakaupo, ang gulo kasi kapag nakisali rin ako ay mas lalong gugulo. I'll just be quiet here and wait if someone will want me to join in their-

"Psst, Ro," tawag ng isang boses sa likod ko kaya lumingon ako.

"Sali ka samin?" dagdag niya pa.

"If may group na kayo, make a circle and plan or suggest some option or opinions on how to make your project." sabi ni ma'am. Tango ang naging sagot ko sa tanong niya kaya inilapit ko ang upuan ko kanila. Si Kylie, Azra, Von, Tyrone, Mev at ako palang miyembro sa grupo.

"Iro, Tyrone, may group na ba kayo?" bigla ay lumapit si Devio, Rald, Shiana at Marvin.

"Yup, sali kayo samin. Anim palang kasi kami. Kulang pa kami ng lima." Kumuha sila ng tig-isang upuan saka sumali samin.

"Kulang nalang tayo ng isa,"

"Teka, alam ko na kung sino ang kulang." Sabi ni Kylie at saka siya lumingon sa likod.

"Hoy! Kystella,"

"Oh?" Tumingin naman kami lahat sa gawi ni Kystella. Prente siyang nakaupo sa pwesto niya habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.

"Anong oh? Aba, kami pa ba aadjust para sayo?"

"Bakit na naman ba?" Tanong niya habang hindi iniiwas ang tingin sa cellphone.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon