[ 13 ] The Shindig

163 34 10
                                    

• - - - - . • • • - -

ROSELLA'S POV

Dumating na ang pinakahihintay nilang lahat. Tinignan ko ang alarm clock ko, 7:05 it says. Ang aga pa pala. Kadalasan ay mga 9 am ako gumigising kapag weekends. Siguro, excited rin itong katawan ko katulad ng iba.

Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok sa cr saka naligo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kahapon. Totoo ba talagang nangyari iyon? Ayaw kasi magsink-in sa utak ko ang eksenang nakita ng dalawang mata ko.

Those people. I saw nothing in their eyes.

As in literally, I didn't see anything in their eyes. Hindi ako makapaniwala. Sila ang pinaka-unang tao na hindi ko nakita ang kamatayan nila. Pakiramdam ko ay isang ordinaryong tao lang ako nung nakaharap ko sila.

It's like, their eyes are covered with pure darkness— I only see pitch black. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Nagpapatawa ba si tadhana? I can't imagine if their would be— ugh! Umiling-iling ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari ngayon. So much weird and strange things are slowly happening in my life.

Noon pa man ay yun lang palagi ang iniisip ko, kahit hanggang ngayon. And I really can't imagine kung isang araw ay mangyayari ang kinatatakutan ko.

And that... guy.

He saved me. He saved my life.

Akala ko nga ay isa rin siya sa mga kasama nila pero hindi, mali ako. Bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi niya sakin kahapon.

"Be careful next time because I'm not always there to save you."

Ayun, tumakbo siya agad na parang takot na takot malaman ang pagkatao niya. Who ever that guy was, I'm very thankful to him. Siguro kung wala siya nung mga oras na yun ay sigurado akong wala ako ngayon sa bahay.

I know they're going about to do who-knows-what on me. I have some strength in me but when the moment those person stood there in front of me, it's like they drained my courage and strength against fighting them.

I can't really explain that feeling I felt that time. Hindi ko na rin alam kung paano ipaliwanag ang lahat ng pangyayaring iyon.

Agad kong pinatay ang shower at pinalupot ang tuwalya sa katawan. Kumuha ulit ako ng maliit na towel at pinahiran ang basang-basa kong buhok. Pumunta ako sa tokador ko at nagbihis.

Tumingin ako sa kabilang kama, malinis na ang higaan niya. Gising na yata siya. Nang biglang nakarinig ako na parang may nagpiprito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at tinungo ang kusina, there I saw her cooking two sunny side up eggs. Sa sink ay may nakita akong bowl na puno ng kanin na sa tingin ko ay gagawin niyang fried rice.

"Hmmm?" Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya lumingon siya sakin.

"Good morning." Bati niya kaya bumati ako pabalik.

"Morning,"

"You're early today," sabi niya at kinuha ang dalawang itlog mula sa kawali.

"Mmm, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ko at narinig ko mula sa sala ang pagtahol ni Spot. Paglingon ko ay nandito na siya sa kusina. Masaya siya ngayon, his tail is wiggling.

"Awww haha! Hi cutie Spot!" ibinaba muna ni ate ang hawak niyang spatula at binuhat si Spot. Dahil dakilang paladila ang tuta ay dinilaan niya si ate sa kamay.

"Ihhhh! Ang sweet talaga ng asong ito."

"Ako na," sabi ko at pumalit kami ng pwesto. Kinuha ko ang spatula at sinunod na niluto ang kanin habang siya ay nanggigigil na nilalaro si Spot.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon