[ 7 ] Death Is Undisguised

233 64 10
                                    

- - • • •

KYSTELLA’S POV (the day of the murder)

She left me, dumbfounded. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa lahat ng sinabi niya. After she said those words, the system of my body is overwhelming. Paniniwalaan ko ba? Oo o hindi? Seryoso kasi ang pagkasabi niya. Parang pinapakonsesnya niya rin ako.

At paano niya nalaman ang tungkol kay Dalia? Did she really got inside of the orphanage? Bakit kaya sinundan ako ng babaeng ‘yun? Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang pakialam sa iba, lalo na sa mga katulad ko.

Or maybe, she’s just like me? Covering my face with a mask. Pretending to the other people when you know to yourself that you’re not like that. Nah, malaki ang agwat namin sa isa’t isa.

Sinabunutan ko ang aking buhok. Ugh! That girl. Is she trying to scare me? Wala ba ‘yun magawa sa buhay niya? Psh! Mailap lang ‘yan si Rosella sa ibang tao, palaging seryoso ang mukha, hindi nakikipagbiro sa iba. Hindi ko pa nga ‘yan nakikitang ngumiti. Para siyang robot kapag nasa classroom siya. Kadalasan ay mapag-isa siya pero itong si Kylie ay hinahabol at kinukulit siya.

Napakamot ako saking ulo. Bahala nga siya, hindi ako naniniwala sa kanya. Pero first time na lang ulit ako nakarinig na may nag-aalala sakin. Bukal ba sa puso niyang sinabi ‘yon? Psh. Bakit ko ba ‘yun iniisip? Bahala na.

Umalis na ako sa playground at pumasok sa bar. Pagpasok ko ay agad bumungad sakin ang nakakabinging music ng bar. Bar pa ba talaga ‘to? Parang club na eh.

“Tel, sa wakas, nakita na rin kita.” Pagpasok ko pa lang ay sinalubong kaagad ako ni Lilian na may hawak na tray, isa sa mga nagtatrabaho dito pero graduate na siya. I mean college graduate na.

“Bakit?”

“Anong bakit? May naghahanap sayong customer,” huh? At sino na namang customer ang tinutukoy niya?

“Sa’n ba?”

“Doon, sa table 15.”

“Pass ako d’yan kapag matanda,” seryosong saad ko. Hindi ko na maitatanggi na maraming naghaharass sakin dito. Lahat sila ay mga mamayamang matatanda, mga 50 pataas ang edad nila. Pucha pre, eh 16 pa lang ako. Sinong hindi madidiri do’n?

“Gaga! Hahaha! Hindi matanda, gwapo teh! Siguro mga mid 20’s. Bet ko siya, gosh!” inirapan ko siya. Kung bet niya naman pala ay bakit hindi niya ito nilandi?

“Eh bakit hindi mo landiin? Bet mo naman pala siya, dapat gumawa ka ng move.”

“Ginawa ko na ang aking Lilian Damoves 101 pero walang talab eh. Ikaw talaga hinahanap.”

“Table 15 ba kamo?” tanong ko at tumango naman siya.

“Siya sige, ikaw na bahala kay pogi. Ingatan mo siya ah? Baka maagaw ko siya sayo, hihi.” Sabay alis niya na. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Tinignan ko kung saan ang table 15, mula doon ay may nakita akong lalaki, mag-isa lang siya sa table at tumutungga ng alak.

Tss, siya na naman? Nakasuot siya ng simple black v-neck shirt, pinatungan niya ng gray jacket at pinaresan ng putting urban shorts. Kahit na simple lang ang damit niya ay maappeal siya tignan. Wala akong oras lumandi. Hindi ko feel ngayon, binabagabag pa rin ako sa sinabi ni Rosella. Kakausapin ko nalang siya kung bakit hinahanap niya ‘ko.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon