[ 25 ] Doomed In Three

35 1 0
                                    

"How is she Doc?"

"She's stable now, nothing severe injury happened. The wound in her left shoulder is only a mild one. Mabuti nalang at hindi critical ang sugat niya pero medyo marami-rami ang dugo nawala sa kanya but don't worry, she's okay now."

"Thank you po Doktora."

Nagising ang diwa ko nang may narinig akong dalawang boses ng tao na nag-uusap katabi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakakasilaw na ilaw at puting kisame.

"Rosella," narinig ko ang boses ni Kylie at naramdaman kong hinawakan niya ang kanang braso ko.

Nilinga ko agad ang tingin ko sa paligid.

"Where am I?" Tanong ko agad at dahan-dahan na umupo.

"Hinay-hinay lang ija, hindi ka pa fully recovered sa natamo mong sugat." Ani nung babaeng doktor.

"Do you feel anything? Are you hurt? May masakit ba sa katawan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Kylie, kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"I'm fine," tipid ang naging sabat ko. Wala akong oras na magpapahinga dito, wala na akong oras magtunganga dahil kailangan kong iligtas ang babaeng nakita ko saking vision kanina.

Babangon na sana ako nang pinigilan ako nung doktor.

"Wait lang ija. Hindi ka pa pwedeng lumabas. We need to see if your vital signs are really all right." She explained.

"But Doc, I'm fine now. Wala na 'kong may nararamdamang sakit saking katawan." Pagpipilit ko.

"At isa pa Doc, may klase pa kami ng kasama k—"

"We're excused for today's afternoon class Rosel." She cutted me off. Doon ko lang napagtanto na wala pala ang dalawa.

"Mev and Tyrone?"

"Kahit na sobra silang nag-aalala sayo ay hindi ko na sila pinasama pa dahil kaya naman kitang bantayan." Nakangiting saad niya. Her smile is always genuine and sometimes, I melt just seeing that smile of her. She's invaluable, in which she doesn't deserve a friend like me.

Bumuntong hininga ako. May narinig akong takong na papalapit samin, yun pala ay may nurse na pumasok at chineck ako.

"Her vital signs and findings are all normal, Dra. Aquino." Sabi nung nurse pagkatapos niya akong pinag-experimentuhan gamit ang mga medical na gamit sabay sulat sa kanyang clipboard.

"That's good, you can now be freely discharge after this. But still, you need to rest okay?" Pagtutukoy sakin nung doktor. Hindi ako sumagot dahil ang totoo nyan ay hindi ako magpapahinga.

"Thank you Doktora, miss." Kylie bowed her head a little to them. Lumabas na silang dalawa kaya ngayon ay kaming dalawa nalang ni Kylie.

Nung lumabas ang doktor at ang nurse ay bumangon ako at naramdaman ko na medyo maluwag ang suot ko. Doon ko lang napagtanto na hospital gown pala ang suot ko ngayon. Wait, where's my uniform?

"Here, umuwi ako kanina samin para kumuha ng damit. Ito na muna ang suotin mo." Isang pedal shorts at loose yellow shirt na may print na purple heart sa kaliwang dibdib ang inabot niya sakin.

"My uniform?" Tanong ko habang tinitignan ang damit na pinahiram niya sakin.

"Nasa bag mo," sabay turo niya sa likod na agad kong sinundan ng tingin. Magkatabi ang bag ko at ang bag niya.

"Sige na, isuot mo na 'yan para makauwi ka na at makapagpahinga." I looked at the logo of our school in her uniform.

"Kylie, I'm sorry."

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon