[ 14 ] Death Is Roaming

135 32 11
                                    

• - - - . • • • • -

Ilang minuto makalipas ang party ay naging masaya naman kami lahat. Puro mula sa school ang kasama namin dito. Nandito kami ngayon sa isang bilog na mesa, covering with a white table cloth. Masayang nagkukwentuhan habang kumakain ng iba't ibang mamahaling pagkain.

Nakita kong tumayo na naman si Kylie habang hila-hila si Azra papunta sa parihabang mesa. Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung nakailang beses na siyang bumalik dyan para lang makakuha ng pagkain niya. Nagulat nalang ako na may humila rin sakin patayo at papunta rin kami sa parihabang mesa.

"Ano? Titingnan mo nalang ba dyan ang mga pagkain?" Sumimangot ang mukha ko kay Mev.

Hindi ko tinitignan ang mga pagkain, si Kylie ang tinitignan ko.

Habang tinitignan ang ibang pagkain, nagbabaka sakaling may pagkain pa akong hindi nakain nang biglang nahagip ng mga mata ko ang isang babae. Mag-isa lang siya at mukhang papasok sa bahay ni Dev.

Dala niya pa rin ang hawak niyang plastic kanina. Bigla ko naalala ang nangyari. I have a bad feeling about this. This can't be good.

Ipinatong ko ang aking pinggan sa mesa at aalis na sana nang tinawag ako ni Kylie.

"Rosel? Saan ka pupunta?"

"Cr," maikling sagot ko at hindi ko na inabala pa na marinig ang susunod niyang sasabihin. Susundin ko na sana ang babae nang dumaan si Dev sa harap ko na parang nagmamadali.

Bibigay muna ako ng pahintulot sa kanya. Kung dire-diretso lang ako papasok sa loob ng bahay nila ay baka mapagkamalan pa akong magnanakaw.

"Devio," tawag pansin ko sa kanya at hinarap niya naman na ako.

"Oh, Rosella. Anything you need?"

"Pwedeng maki-cr?"

"Yeah sure, this way." He lead me the way inside his big mansion. Tumigil kami sa harap ng malaking two-doors sa likod ng bahay nila.

"Unfortunately, I can't take you through the bathroom. May aasikasuhin pa kasi ako."

"It's okay, I can handle myself."

"Magtanong-tanong ka nalang dito sa maids namin. I'm very sorry Rosel."

"No worries Dev."

"Sige, glad that you came to my party. I'll head outside. Magtanong-tanong ka nalang dyan ah?!" sabi niya habang palayo siya sakin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Tinignan ko ang buong bahay nila.

Hindi naman talaga ako magc-cr eh, ang totoo ay gusto kong sundin ang girlfriend niya pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Where is she now? Did she went to the bathroom?

Naginhawaan ko nang may nakita akong isang katulong na pababa sa hagdan na katabi ko lang.

"Uhm, excuse me po."

"Ano yun ija?"

"Gusto ko po sanang malaman kung saan po dito ang papuntang kusina?"

"Sa east wing ija. Malayo na ang narating mo."

"Dito po kasi ako dinala ni Devio. Sabi niya daw ay magtanong-tanong lang ako sa mga katulong niya."

"Tsk, ang batang yun. Halika, ihahatid kita sa kusina." Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan. Nasa unahan ko lang siya habang ako ay sumusunod sa kanya. Napatigil agad siya sa paglalakad.

"Naku! Nakawala si Cyzie sa dog house niya." Sambit niya bigla. Patuloy pa rin ang pagtahol ng aso.

"Ija, pwede bang ikaw nalang ang pumunta doon? Ibabalik ko muna kasi Cyzie sa bahay niya."

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon