[ 11 ] Bizarre Happenings

171 42 13
                                    

• - - - - . • - - - -

Noon ay palaging lungkot at walang emosyon akong gumigising, hanggang nga pagdating ko sa school ay nakabusangot pa rin ang mukha ko. Pero ngayon ay may ngiti na.

Ewan ko ba, pagtingin ko nalang ng salamin sa cr ay may umuukit na ngiti sa labi ko. I know this is weird pero gusto kong sulitin ito. This is not happening everyday so might as well make this day a remembrance.

Ang saya saya sa pakiramdam. Sa ilang taon lumipas ay ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. And it makes me weird, medyo weird sa pakiramdam.

Ironic right? Ang isang wirdo ay nawiwirduhan sa isang tao. Well, everyone has a weird side.

Hinawi ko ang bangs ko sa kanan at nakita ko ulit ang tinatago ko. Malungkot akong ngumiti nang sumagi sa isip ko si mama.

“Good morning ma.” Sabi ko habang nakatingin sa peklat ko. Pagkatapos ng kompetesyong nakikipagtitigan sa sarili ko ay naligo na ako. Nagbihis agad ako ng uniform pagkatapos kong maligo. May nakaipit pang suklay sa ulo ko habang papunta sa kusina. Agad akong nagluto ng breakfast namin ni ate.

Nang natapos ko na lahat ng niluto ko iseserve ko pa lang sana ang fried rice ng may narinig akong pagbukas ng pinto. Napaaga siguro ang uwi niya.

Mabilis kong isinerve ang mga niluto ko at pinuntahan ang sala. Bumungad sakin ang isang pigura ng babaeng pagod na nakaupo sa couch habang katabi niya ang isang itim na backpack. Nakapatong ang dalawang braso niya sa sandalan, malaki ang espasyo sa pagitan ng dalawang hita niya, sirado ang mga mata niya at umaawang ng kaunti ang bibig niya. Halatang pagod na pagod siya.

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay umangat ang ulo niya sakin at nagtatakang tinignan ko. Agad ko namang iniwas ang mata ko at tinuon ito sa backpack niya.

“Oh? Nandito ka pa pala. I thought you’re already gone at school.” Nagtatakang sabi niya sabay upo ng maayos. Umiling lang ako at bumalik ulit sa kusina para ayusin ang naudlok kong pag-aayos ng breakfast namin. Kasunod no’n ay narinig ko ang pagtayo niya sa couch at pumunta din siya dito sa kusina.

Nahalata niya pala na nakatingin ako sa kanya kaya pinagpatuloy ko ulit ang pag-aayos ko ng kanin sa lunchbox ko. Hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ko ang pagsandal niya sa lababo na katabi ko lang dahil dito ko sinasalinan ng kanin ang lunchbox ko na nagmumula sa rice cooker.

“You seemed,” kinabahan naman ako. Napansin niya kaya?

“Oh, I know now. You’re blooming,” sabi ko na ikinakunot naman ng noo ko. Ano daw? Ako? Dito sa mukha kong blangko? Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.

“Don’t try to hide it, Rosel. Nakatingin ako ngayon sayo, live na live.” At do’n na sumagi sa isip ko ang ginagawa niya. Is she teasing me?

“What’s the reason behind that blooming face of yours? Hmm?” mala-detective niyang tanong. Oo nga confirmed, tinutukso niya ‘ko. Hindi ako sumagot. Natapos ko nang ayusin ang lunch ko kaya umupo na ‘ko at sinimulang kainin ang breakfast na hinanda ko. Alam kong tinititigan niya ako ngayon. Does my face really that obvious?

Pero blangko naman ito ah? Walang umaarkong ngiti, cold eyes— expressionless talaga. At anong blooming? Hindi ba pwedeng masaya lang? Yung normal na masaya na kadasalan nakikita sa isang tao.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon