[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear

308 89 17
                                    

• • • • -

Mag-isa lang akong naglalakad pauwi. Tinatahak ang tahimik at walang katao-tao na daan. Bago ako umuwi ay pumunta muna ako sa isang eskinita. Sa dulo nito ay isang dead end at tambakan ng mga basura.

Binuksan ko yung maliit na cardboard box at bumungad sakin ang natutulog niyang katawan. Kinuha ko yung lunchbox ko at nilagay sa paper plate ang pagkain tsaka nilagay ito sa tabi niya. I pet his head at bigla siyang nagising. Tumingala siya at nang makita ako ay biglang kumawag ang buntot niya.

Tumahol ito sakin at pilit na lumabas sa box pero pinipigilan ko siya. Ang kulit talaga nito. Nilapit ko sa kanya ang pagkain niya at gutom na gutom niya itong sinunggaban. Hinihimas-himas ko ang likod niya habang kumakain.

Nakakaawa talaga ang tuta na 'to. Walang kahit na sino ang nagtangkang kunin siya. Kung may pera at sapat lang sana ang allowance ko ay ipapavet ko talaga siya at iuuwi.

Kung iuuwi ko siya na walang permission ni ate ay siguradong papagalitan niya ako. Allergic kasi 'yun sa balahibo ng aso, kahit na sosyal pa ang breed nito. Hindi pa nga nakakalapit ang aso sa kanya ay bigla siyang humatsing ng humatsing.

Habang kumakain siya ay nagulat akong dinilaan niya ang kamay ko. Ngumiti ako at hinimas ang ulo niya. Naubos na niya pala ang pagkaing hinain ko. Nakakagigil siya, ang cute cute niya. Kulay brown and black ang kulay niya with white spots on his body, lalo na ang pabilog na puti sa kaliwang mata niya.

May narinig akong tawanan kaya nilingon ko ang dulo ng eskinita. May nakita akong tatlong babae na nagtatawanan. Tama nga ako, dito siya dadaan. Tinuon ko ang tingin sa tuta.

"Iiwan na kita. Bibisitahin ulit kita bukas. Pakabait ka."

Tila naintindihan niya ang sinabi ko dahil humiga na ulit siya at pinikit ang mga mata. Oo nga pala, ilang buwan ko na siyang dinadalaw at pinapakain pero hindi pa ako nakaisip kung ano ang ipapangalan sa kanya.

Bahala na, sa susunod nalang kapag may pumasok na matinong pangalan sa isip ko. Sinara ko na yung box at dahan-dahan na lumabas mula sa eskinita. Nakita ko sila di kalayuan. Tahimik ko silang sinundan.

Huminto ako sa paglalakad ng nakipagbeso sila, lumiko na yung dalawa niyang kasama kaya mag-isa nalang siya. Tumingin ako saking relos, 5:20 na pala ng hapon. Tsk, ang bilis talaga ng oras. Sinundan ko siya hanggang sa malapit na ako sa isang bar.

Sa kabilang kalsada ng bar ay isang playground kaya doon muna ako pumunta at naghintay. Kinuha ko yung bag ko at umupo sa swing tsaka tinungtong ang bag sa hita ko.

Ilang oras na ang lumipas at alas otso y medya na nang lumabas siya na may dalang itim na garbage bag. Iba na rin ang suot niya ngayon, siguro 'yan ang uniform nila. Agad kong sinukbit ang bag sabay patakbong lumapit sa kanya.

Nung una ay hindi niya 'ko napansin dahil dire-diretso lang siya ng lakad pero nung humarang ako sa dadaanan niya ay doon na lumaki ang mga mata niya.

And there it is again, nakita ko na naman ang kamatayan niya.

"R-Rosella?"

~*~

Ilang minuto kaming walang kibuan. Humihithit lang siya ng sigarilyo habang nakasandal sa isang monkey bar at ako ay tahimik na nakaupo sa swing. Ang tanging liwanag na nanggagaling ay ang isang poste na nasa likod lang namin.

"Ipagsasabi mo ba? Ikakalat mo ba sa iba na pokpok ako?" napatingin ako sa kanya, nagtataka.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Hindi ako ang tamang tao para ipagkalat ang pagtatrabaho mo sa isang bar at wala ako sa posisyon para gawin 'yun. Hindi ka pokpok dahil nagtatrabaho ka bilang waitress."

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon