Lumipas ang dalawang araw ay nagsimula na ang sembreak. Masaya silang lahat at excited. Hindi dahil magfifilm kami ng project kundi dahil sa pupuntahan namin.
Sa isang sikat na resort kami pupunta. Hindi ko akalain na pagmamay-ari pala ng pamilya ni Devio ang Bonita Isla Resort. Sa pagkakaalam ko, maganda daw ang resort na yan, lalo na yung beach nila.
Also, Mev created a GC dahil kailangan namin ang communication ng isa't isa, for project purposes lang naman.
"Ate," pagtawag ko ng atensyon sa ate kong nagluluto ng lunch namin.
"Yes?" Sigaw niya mula sa kusina.
"Nilipat ng kaklase ko ang date ng paggawa ng project namin,"
"Kailan daw?"
"Bukas," sabi ko habang binabasa ang chat nila.
"Sure, okay lang. I'm sure na maeenjoy mo at ng mga kaklase mo ang bakasyon niyo do'n sa resort niya."
"Obviously," bulong ko.
Pinatay ko na ang data ng cellphone ko saka pumuntang kusina. Pagkatapos maluto ni ate ang lunch namin ay tahimik kaming kumain at tanging mga kubyertos lang ang nag-iingay. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang mga pinggan namin.
"Shoot!"
Dahil sa sigaw ni ate ay napalingon ako sa kanya.
"What it is?"
"May problema sa opisina. Kailangan nila ako do'n ngayon." Sabi niya habang nakatitig sa cellphone niya.
"You should go," sabi ko ng matapos kong hugasin ang mga pinggan.
"Oh siya, ikaw na muna bahala dito. Baka gagabihin ako." Sabi niya habang hinahalungkat ang bag niya. Pumunta ako sa sala at in-on ang TV.
"Matagal mo ng hindi sinasabi sakin kung anong kompanya ang tinatrabahuan mo," I saw in my peripheral vision na tumingin siya sa direksyon ko habang ako ay nasa TV pa rin ang atensyon.
"Sasabihin ko sayo sa tamang panahon." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya saka siya tinignan pero nagulat nalang ako ng nasa likod ko na pala siya sabay halik sa ulo ko at tuluyang lumabas ng apartment.
Hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi ni ate. Why? Anong ibig niyang sabihin na sasabihin niya lang sakin ang pagtatrabaho niya sa tamang panahon? I sighed. Hindi ko nalang ito pinansin at nanood nalang ng TV.
~*~
Nagising ako ng maramdaman kong malagkit at basa saking paanan. Pagtingin ko ay si Spot pala, dinidilaan niya ang paa ko. Umupo ako ng maayos saka siya kinuha. Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan. Tumingala ako at tinignan ang orasan namin na nakapwesto sa taas ng TV. Alas tres y medya na pala ng hapon. Yung TV ay umaandar pa rin.
Tumayo ako at pinatay ito. Pupunta na sana ng kusina para uminom ng tubig ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko agad ang pinto.
"Hi Rosel!" Nakangiti niyang bati na ikinagulat ko.
"K-Kylie,"
Napunta naman ang tingin niya sa tumatahol na tuta. Lumuhod siya at kinuha si Spot.
"Cute mo pa rin Spot! Inaalagaan ka talaga ng maayos nitong amo mo ano?" Dinilaan siya ni Spot sa mukha niya. Napailing nalang ko saka siya pinapasok.
"Thank youuu." Sinara ko na ang pinto.
"What brings you here?"
"Wala lang hehe. Gusto ko lang kasi makita itong si Spot." Sabi niya. Umupo ako sa couch at pinaandar ang TV at naramdaman ko ring umupo siya pero malayo sakin.
BINABASA MO ANG
Peculiarity In Her Eyes
Science Fiction"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will about to unfold the dark secrets and buried lies of NMAI or also known as Night M' Ares Institute. ...