[ 3 ] Nigh Demise

390 116 15
                                    

• • • - -

Nakatingin lang ako sa lecture ni Ma’am na sinusulat niya sa blackboard. Medyo bad mood ako ngayon dahil sa kanya. Hindi ko naman akalain na magiging classmates pala kami at sa likod pa talaga ni Kylie siya umupo. Bwisit bakit kasi do’n pa ang may bakante. Ang malas ko talaga kahit kailan. Parang pinapasa sakin ng kamalasan ang pagkamalas nito.

Humalukipkip ako habang nakatingin sa mga sinulat ko sa notebook. Nagsimulang magdiscuss si Ma’am pero hindi ko siya pinakinggan.

Half of the class are sleeping and doing some nonsense things and the other half of it are still listening to her.

Patago kong binalingan ng tingin ang katabi ko. Namamaluktot siya sa kakasandal sa upuan niya, nakakrus pa ang braso nito at mahimbing na natutulog na animo’y hindi niya nagawang matulog kagabi. Napatawa ako saking isipan. Pagdating talaga sa kanya ay nawawala pansamantala ang pagiging cold at loner ko.

Hindi pa rin siya nagbabago. Ganon na ganon pa rin ang gawi niya. Ginagawa niya ‘yan kapag naboboringan siya o walang gana makinig kaya minabuti niya nalang na matulog.

Napakainosente niya. Hindi siya bagay makipagkaibigan ng isang katulad ko. Hindi siya bagay na makasama niya ang isang gaya ko.

Natapos ang half day ng klase ay lunch time na. Ginising ni Mev si Kylie at nagising rin agad ito. Dali-dali kong inayos ang bag ko, nararamdaman ko kasing nakatingin siya sakin. Lalapit na sana siya sakin nang umiwas ako at dali-daling umalis. Nakayuko akong lumabas sa room. Kabisadong-kabisado ko na ang rountine niya kaya umiiwas ako.

Alam kong yayain niya akong sumabay maglunch but I always rejected her in that way. Arrg! Her head is hard as her skull. Ilang taon na lumipas pero ganon pa rin ang ginagawa niya. Walang bago at naiinis ako. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na halos limang taon ko siyang iniiwasan at limang taon na rin niya akong hinahabol. She’s still hoping that the old me can have a chance to be back.

Nakakainis man isipin ay wala akong magawa. I have trust on her but not enough to vulgar my deepest secret. Hindi ko pa ‘to sinasabi sa kanya, nor even to my sister.

“Rosella! Wait up!” hindi ako tumigil sa paglalakad. Ano na naman bang kailangan ng lalaking ‘to?

“Teka, sandali lang,” hinawakan niya ang braso ko na ikinatigil ko. Mahinahon kong kinuha ang paghawak nito sa braso ko at hinarap siya.

“I can’t help you.”

“Hindi naman ako hihingi ng tulong sayo. I want to treat you for helping me earlier.” Ayan na naman ang nakakiritang ngiti niya. Ngiting aso.

Treat? Usually ay hindi ko ito tinatanggap lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi ko naman talaga siya kilala, except his name. Hindi ako dali-daling magtiwala dahil sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko. Nasanay na ‘ko na ako lang tumayo sa sarili kong pagkatao.

“Sige na naman Ro, para may kasama rin akong maglunch. Hindi ka ba naaawa sakin?” hindi at wala akong pakialam sayo. And also, I don’t want to give dirt on my reputation. Paniguradong maraming magbubulungan at mga rumors na kakalat once na um-oo ako sa kanya.

And what did he call me? Ro? Feeling close.

“And if you’re worrying about them, I don’t care. Just let them be. Wala ka rin naman pake right? So why bother showing some attention to them?” Bullseye. Nahula niya ang iniisip ko.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon