[ 1 ] Not A Reverie

715 143 45
                                    

This is a work of fiction. Any names, characters, places, events, businesses are either the author's imagination that used in a fictitious manner/way. Any resemblance to reality or any other stories are just purely coincidental.

Warning: there will be malulutong cusses in this chapter and also the rest of the story. Please excuse my insensitive words.

Enjoy reading!

• - - - -

"Ma? Saan po tayo pupunta?" nakasimangot kong tanong kay mama habang nakahawak ako sa kamay niya at ang isa naman ay hinahawakan ang kulay pink kong bag na Barbie.

Uuwi na kami ngayon dahil uwian na ng school pero nagtaka ako nung ibang daan ang tinahak namin kaya mapapatanong talaga ako. Nagugutom na rin ako at kanina pa tumutunog ang tyan ko. Gusto ko ng kumain.

Lumuhod si mama sa harap kaya napatigil ako sa paglakad. "Anak, samahan mo muna si mama mag-grocery. Ayos lang ba sa'yo 'yon?" nakangiting tanong niya sabay kuha sa mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"Bibili kasi ako ng mga kailanganin natin para sa pang-araw-araw nating kabuhayan. Hindi muna kita pwedeng iuwi dahil hindi pa ito uwian ng ate mo kaya walang magbabantay sa'yo. Tapos si papa ay sa gabi pa makauwi. Payag ka bang sumama ka sakin?" Nakangiti ko rin siyang tinanguhan.

"Okay lang po sakin ma basta po may kapalit," sabay ngiti ko nang nakakaloko. Napatawa siya sa sinabi ko.

"Sige, ano ba 'yon?"

"Pizza! Bili po tayo ng pizza mama!" masigla kong sambit habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere. Nanggigigil niyang kinurot ang matambok kong pisngi.

"Mmmm! Ikaw talagang bata ka. Manang mana ka sa ate mo."

"Eh kasi ma gutom na gutom na rin po ako. Kanina pa nag-iingay ang tyan ko." sabay kamot sa ulo ko.

"Sige, bibili tayo ng favorite pizza mo pero pagkatapos lang natin mag-grocery. Okay ba yun sayo?" ngumiti ako bilang tugon sabay thumbs up ko.

"Okay na okay po! Tara na po!" ako na ang nanghila kay mama kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sakin. Pumunta kami sa isang bus station at naghintay doon. Nang may dumaan na nagtitinda ng ice cream ay bumili si mama para saming dalawa. Dalawang tig-10 ang binili ni mama.

Nakatingin lang ako sa paglagay ni manong ng ice cream kong ube flavor sa cone. Medyo nae-excite kasi isa rin sa mga paborito ko ang ice cream. Nang matapos siya sa paglalagay ay inabot niya ito sakin at masaya ko itong kinuha sa kanya.

"Salamat po," pagpapasalamat ko sa kanya at ngumiti siya. Bigla nawala ang mga ngiti ko nang may nakita akong kakaiba sa mga mata niya.

Imahe, isang imahe.

"Walang anuman, hija." nakangiting sabi niya sabay balik na ulit sa pagkuha ng ice cream. Napakurap ako sa nakita ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko, namamalik mata lang yata ako. Tama, baka gutom lang ito. Walang hiyang gutom na 'to, dahil sa kanya kung ano-ano ang nakikita ko.

"Anak, napaano ka? Napuwing ka ba?" umiling ako.

"Wala po ito ma, kumati lang ng kaunti." inabot ni manong ang ice cream kay mama.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon