[ 27 ] On One's Last Legs

65 3 0
                                    

Purpose. Layunin naman kung tagalog.

Bakit ka buhay? Alam mo ba ang dahilan?

What's really your purpose in living this world?

Meron ba? May mga layunin ka ba? Kung meron ay alam mo ba ang mga ito?

Maraming mga katanungan pero walang kasagutan. Hinahanap pa lang. O di kaya, wala talaga.

Masaya ka ba na pinanganak ka sa mundong ito? O malungkot dahil puro pasakit lang naman ang tingin ng iba sa iyo?

Me? My purpose? That's easy.

Saving people.

Err, that's how I at least interpret why I'm still alive at kung bakit pinanganak ako.

Yeah, I'm also not sure about my purpose in living.

"Napapansin niyo ba na medyo weird ngayon si Mev?" Tanong ni Marvin na ikinabalik sa wisyo ko.

Kumurap-kurap ako saka kinusot-kusot ang mata. Oo nga pala, how can I forgot?

Nandito kami ngayon sa rooftop. Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nung nangyari sakin sa mismong lugar na ito.

Naghilom na ang sugat ko pero kapag may natatabig ako ay sumasakit pa rin ito. Sa totoo lang, kada nakikita ko ang scar na ito ay bumabalik ang gunita sakin na nangyari tungkol doon.

I guess, matagal humilom ang isang sugat na papunta sa yugto ng peklat.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas nung sinagip ko si Melanie. Hindi na ito biro. Totoo nga itong nakikita ko. So I was right from the first place after all. This ability of mine is evolving. Sa paraan pa nga lang na iniisip o nai-imagine mo ito ay nakakatakot na, paano pa kaya kapag actual mo itong nakuha? I'm scared, yes. Pero hindi ko ito pinapahalata.

I kept my fear in my cold personality. I'm also a human. I just make feelings neutral, nothing more, nothing less. Just in between.

"Napapansin ko rin 'yon. I wonder why?" Ani Shiana sabay kain sa binili niyang mansanas.

"Simula nung dumating ang dalawang transferee." Saad ni Kystella.

"Napansin mo rin ba Rosel?" Tumingala ang ulo ko sa kanila na kanina ay nakayuko. Nakatuon ang lahat ng tingin sakin, I tensed up.

Hindi ko sadyang tumingin sa kung nasaan si Kylie. Ever since the 'rooftop accident' happened, only one expression she for the past two weeks— worried. Madalas niya rin tinanong kung okay na ba talaga ako, kung hindi na sumasakit ang sugat ko. Ako naman na matipid sumagot ay puro tango lang ang ginawa ko.

Gano'n rin si Tyrone, walang araw na hindi niya 'ko tinatanong kung okay ba ang lagay ko. Katulad nalang kanina nung umaga, pagtapak ko sa classroom ay nag-aalalang mukha niya agad ang bumulaga sakin. Silang dalawa ni Kylie. I sighed.

Life can sometimes be crucial as death.

Nilihis ko pakanan ang tingin ko sa kanya nang napagtanto kong napatagal ang tingin ko sa mukha niya.

"Y-Yeah." Tipid na sagot ko at tinuloy ang pagnguya ng pagkain ko. In my peripheral vision, I saw Tyrone sighed.

"Kyaaaahh! Omg guys! Ang hot niya diba?!" Biglang tili ni Marvin sabay paypay sa sarili niya, iniiba ang topic.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon