[ 9 ] Head-Scratcher

218 52 10
                                    

- - - - •

This is hopeless, I can't believe I lost him just like that. Ilang buwan ko ring siyang pinakain at inalagaan kahit na minsan lang ko lang siya binibisita ay napamahal na siya sakin. Hindi ko akalain na sa isang magulong sitwasyon lang ay nawala agad siya na parang bula.

Hindi ko sinasabi na ang naglagay sa kanya sa library ay siyang may kasalanan dito but to put it in, siya naman talaga ang dapat sisihin kung bakit nawawala na ngayon si Spot. Ugh! Who ever that person is such a major sakit sa ulo. Jeez! Tss.

"Kung aso ako ay sa basurahan agad ako pupunta para maghanap ng pagkain." Out of nowhere niyang sabi. Napaisip ako, I kinda agree with him. Kung isa kang tambay at paligoy-ligoy na aso ay sa basurahan agad ito tutungo.

Wala na akong ibang choice pa dahil wala rin namang pumapasok saking isip na ideya. Nagsimula kami sa freshmen's building. Organised na ang mga basura sa lahat ng grade levels kaya hindi na kami mahihirapan pa. Bawat classroom ay nasa labas ang basurahan nila nakalagay.

Pero ilang minuto lumipas sa paghahanap ay hindi namin nakita si Spot kahit buntot niya ay wala talaga. Sumunod kami sa sophomore's building. Nagsimula na rin kaming magtanong-tanong sa mga estudyanteng lumalabas-pasok sa mga classrooms nila pero sa huli ay bigo pa rin kami.

Umupo muna kami ni Mev sa isang wooden bench malapit sa puno ng manga. Magpapahinga muna kami kahit sandali lang. Para kasing nawawalan na rin ako ng ganang hanapin si Spot

"Woh! Kapagod. Nasa'n na kaya ang tutang 'yon? Ang likot at kulit naman niya. Pinapahirapan pa tayo eh." Shempre dahil tuta 'yon, likas na sa kanila ang pagiging hyper at energetic. Ramdam na ramdam ko rin ang pagod niya nung nagsalita siya. Pinapaypay niya rin ang sarili niya gamit ang kamay niya. Pawisan kaming dalawa sa paghahanap sa kanya. Naman oh, sa'n na kayang lupalop na dimensyon nagpunta ang tutang 'yon?

Isusubsob ko sana ang ulo ko kaso naalala ko wala palang mesa sa harap namin kaya ang ginawa ko ay ipinatong ko ang aking braso sa sandalan ng bench at doon ko isinubsob ang aking mukha. Nakakapagod, sa sobrang pagod ay parang gusto kong humiga.

"Tama na ang pagpapahinga. Tara na, kailangan natin mahanap si Spot bago bumukas ang gate. May 20 minutes nalang tayo para mahanap siya." Sambit niya sabay tayo. Tamad akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa junior's building. Jeez! Nasaan na kaya ang tutang 'yon? Pagod na kami sa kakahanap sa kanya. Tsk. Kailangan namin siyang mahanap bago may kumuha sa kanya at iuwi siya.

The last chance we have is our building. Please I hope this time ay makita na namin si Spot. Nagsuggest si Mev na maghugas muna kami ng kamay na sinang-ayunan ko naman. Pagkatapos naming hugasan ang aming kamay ay sinimulan na namin ang paghalubhob sa building namin.

Dahil walang hiya itong kasama ko ay tinanong niya ang mga schoolmates namin kung may nakita raw ba silang paligoy-ligoy na tuta.

Karamihan ay babae ang tinatanungan niya kaya kapag nilampasan na namin ang classroom nila ay tumitili ang mga ito, halatang kinikilig. Ngumingisi lang siya, minsan ay lilingon at kinikindatan niya ito. Mas lalo tuloy silang tumili. Babaero siguro 'to. Ganon na ba kagwapo ang kasama ko para kiligin sila?

Maganda naman ang charisma niya kaya malamang pa sa malamang ay maraming babae ang mahuhumaling sa kanya but I'm not one of them.

Sunod naming pinuntahan ang kabilang classroom. Buti at wala silang klase, siguro vacant rin nila o baka hindi sumulpot ang teacher nila. Sinimulan na magtanong si Mev sa kanila na may kasamang paglalandi. I rolled my eyes.

Habang naghahanap ako sa basurahan at siya naman ay nakikipaglandi— I mean nagtatanong ng impormasyon sa mga babae ay hindi nakatakas sakin ang isang lalaking papalapit sa direksyon namin.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon