[ 10 ] Undone

183 49 18
                                    

(a/n: continuation of chapter 7)

• - - - - . - - - - -

KYSTELLA'S POV

Binilisan ko ang paggawa ng mga morning rituals ko. Alas sais pa lang ay nilalakad ko na ang medyo madilim at malamig na daan na walang katao-katao. Maaga pa ang oras na ito para magising at tsaka hindi mga morning persons ang mga tao dito.

Hindi ako makapaniwala. Nagkatotoo ang sinabi ni Rosella. Siya, alam kong siya ang lalaking balak akong patayin. Sigurado ako dahil nakapa ko yung baril niya sa likod ng pantalon niya. Sigurado akong hindi ‘yon laruan na pwede niyang dalhin kahit saan siya magpunta.

Pagdating ko do’n ay mas transparent pa sa crystal ang mga mata ko nang makita ko ang yellow police tape na nakapalibot sa bar. May dalawang police car rin ang nakaparada sa labas. Nakita kong papalabas si Boss Paul na may kasamang detective, nag-uusap silang dalawa. Kahit na malayo ako ay kitang kita ko sa mga mata ni Boss ang malubhang lungkot na dinadama niya. Agad na tumakbo ako papalapit sa kanya.

“Boss!” gulat ang mukha niya nang mamataan niya ‘ko.

“Kystella! Thank goodness you’re safe.” Bungad niya sakin. Nag-aalala ang tono ng boses niya.

“Nakita ko sa isang TV news kaninang umaga ang balitang ito. Boss, anong nangyari?” pero hindi siya sumagot bagkus ay nangalumbaba lang siya at nanahimik.

“Boss—“

“Don’t force him kid, his under the pressure of mourning the deaths of your co-workers.” Hindi ko na pinilit pa si Boss. Gustong gusto kong malaman kung ano nangyari pero— haaay, guess I’ll wait.

“Ah kid, you must be Kystella Castro?” nabaling ang tingin ko sa detective. Kid? Anong kid ang sinasabi niya? I’m a teen! Almost an adult. Kidkirin ko kaya mukha nito? Psh!

“Yes sir.” Magalang kong sabi. Shempre, nagbibigay galang pa rin naman ako sa mga mas professional sakin.

“I’m Detective Chief Superintendent Eugene Arevalo. Can I talk you for a minute?” tinignan ko si Boss. I’m sure he wants some comfort now. But this detective is meddling in our way.

“Perhaps, I could tell you what happened last night.” Automatic na napatingin ako sa kanya.

“Don’t worry about me Kystella. I just need to rest. And about what happened, I’ve decided that I’ll temporarily close the bar. Maybe two weeks or more,”

“Pero Boss—“ but he cut me off. Aba- kanina ang detective na ‘to tapos ngayon siya naman? Parang ayaw yata nila akong pagsalitain.

“And here is your early wage,” sabay bigay sakin ang isang envelope.

“I added some extra amount of it. I hope na sapat na ‘yan sa mga pangangailangan mo.” Nanlulumo ko siyang tinignan. Of course sobra na nga ito eh.

“Detective, Kystella, I’ll leave now. I will sure need a loads of rest today until to the upcoming days.”

“Thank you very much for the info’s Sir.”

“Sige Boss Paul. Mag-ingat ka paps.” Nakangiting sambit ko at ginulo niya naman ang buhok ko sabay lampas samin. Kahit na ganito ang sitwasyon ngayon ay kailangan ko lang icheer up ng kaunti si Boss. Tinignan ko ang pagpasok niya sa kanyang kotse hanggang sa makaalis siya.

“So, just you and me now kid.” Nakataas ang kilay kong ibinaling ng tingin ang isang ‘to. Maldita mode: on.

“Magtutuos ba tayo?” tumawa siya ng mahina. Inayos niya ang kanyang necktie na parang handa na sa kahit anong mangyari.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon