[ 24 ] Vizard

48 3 0
                                    

A/N: the continuous part of chapter 18. A long action ahead!

~*~

"Who are you," I whispered.

She then waved at me, like she was saying hi. Pero nanatili lang akong nakatayo habang may pagdududa siyang tinitignan.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin habang ako ay nakatayo pa rin at tinitignan ang bawat hakbang niya. Umatras ang paa ko ng isang hakbang at mapahinto siya sa paglalakad papalapit sakin.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang nawala sa paningin ko. Nagitla ako at tumayo lahat ng balahibo ko ng mapagtantong nasa likod ko na siya dahil nararamdaman ko ang presensya niya.

Lumingon ako sa kanya at namalayan ko nalang na napalipad ako dahil ginawiran niya 'ko ng isang malakas na sipa sa tyan at sumalpok ako sa mga bakal na railings. Napangiwi ang mukha ko tsaka napahawak saking tyan. Parang nawala bigla ang lahat ng lakas ko dahil sa ginawa niya.

Fvck this.

Dahan-dahan ko naman tinayo ang katawan ko, tinukod ko ang dalawang kamay ko sa sahig at pinipilit na tumayo pero nabigo ako. Ang lakas ng pagkakasipa niya sakin.

Narinig ko ang pagtapak ng sapatos niya, sinyales na papalapit siya sakin kaya naman dali-dali akong bumangon at pinilit ang katawan na tumayo. Kahit nanginginig ang buong katawan ko ay kinaya ko pa rin na tumayo habang nakahawak saking tyan pero napahawak agad ako sa railings dahil matutumba na sana ako.

Nakangiwi ang mukha ko habang tinitignan siya na kalmadong humahakbang papalapit sa direksyon ko.

What the fvck is her problem?

Matatalim na mga titig ang ginawiran ko sa kanya habang papalapit pa rin siya sakin. Niyukom ko ang aking kamao.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na naman ulit siya gumalaw. Dahil sa ginawa niya ay naging alerto ako sa presensya niya. 

Tumakbo siya ng napakabilis na ilang segundo lang lumipas ay nasa harap ko na siya ngayon. Isang suntok na sana sa mukha ko ang makukuha ko kung hindi ako umilag.

Umilag lang ako ng umilag, siya naman ay patuloy pa rin sa ginagawa niya para lang magawaran ako ng isang malakas na suntok. Ang bilis ng reflexes niya. Parang determinado siya.

Dahil nabasa ko at kabisado ko na ang mga galaw niya ay sinangga ko ang kamay niya na tatama sana sa mata ko na naging dahilan ng pagkatigil niya. Ngumisi naman ako tsaka mabilis ko siyang ginawiran ng isang malakas na suntok sa tyan na ikinatras niya papalayo sakin. Pagewang-gewang ang lakad niya kaya naman hindi ko na sinayang pa ang oras ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya tsaka ko siya tinira sa tyan gamit ang tuhod ko. Tatlong beses ko yun ginawa sa kanya tsaka ginawiran ko ulit siya ng isang malakas kong suntok sa baba niya, an uppercut kaya naman napalipad siya ng ilang pulgada sa kamao ko.

Pakiramdam ko ay bigla nagslow motion ang lahat nang ginawa ko yun sa kanya. Hindi pa 'ko tapos sa kanya. Umikot ako at binigay ko sa kanya ang huli kong galaw— a roundhouse kick. Dahil sa ginawa ko at tumalsik siya sa pader na malapit sa pinto ng rooftop.

Napangiwi ako dahil bigla kumirot ang tyan ko kaya wala sa oras akong napahawak dito. Dahil sa pagod at pati na rin sa biglang pagkirot ng tyan ko ay napaluhod ako at dumura ng dugo. Hingal na hingal ako habang tinitignan ang dugong dinura ko, may mga pawis na ring tumatagaktak mula sa noo ko.

Nanginginig ang ulo ko na tumingin sa direksyon niya. Nakaupo pa rin siya na parang walang malay. Nawalan siguro ng malay dahil sa mga masasakit na tira na binigay ko sa kanya.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon