KABANATA 3

166 13 0
                                    

KINABUKASAN ay ginugol ni Edgar ang sarili sa pagpipirma ng mga dokumento at pagbabasa dito, binibisita niya din ang construction site kung saan niya planong mag tayo ng airport,

"Sir, conference na po" anunsyo ni Lin sa kaniya, tumango naman siya saka sinara ang document,

"Alright, I'll be there in a minute or two" ani niya kay Lin na tumango at umalis sa opisina habang siya naman ay kinuha ang coat niya at habang inaayos ang sarili ay biglang pumasok si Bruno sa office niya,

"good morning sir, I have Ms. Samantha Emily Cazarza's information" ani nito, natigil naman siya sa pag-aayos sa sarili saka nilingon si Bruno,

"good job" bulalas niya sabay kuha sa folder na inabot ni Bruno,

"I'll transfer the money to you later" ani niya kay Bruno saka niya nilagay sa drawer ang folder,

"ah sir, pinapasabi pala ni Don Rafael na magla-lunch daw kayo ngayon"

"tell him I can't" agad na tugon niya "I have hectic schedule for today. Sobrang gabi na nga ata ako makakauwi" ani niya kay Bruno na tumango lang,

"alright, makakarating" tugon ni Bruno, tumango naman siya,

"thanks a lot, Bruno"

"it's nothing, sir" ani ni Bruno, ngumiti siyang muli saka tinapik si Bruno sa balikat,

"I have to go, may meeting pa ako" paalam niya, tumango naman si Bruno saka siya sinabayan sa paglakad palabas ng opisina niya,

Nagkahiwalay lang sila ng landas sa kalagitnaan ng hallway. Habang naglalakad naman siya ay hindi niya maiwasan ang hindi pansinin ang mga tingin sa kaniya ng karamihan,

Mukhang matatagalan pa bago maka-move on ang mga tao sa pagkatalo niya,

Bumuntong hininga siya saka agad na sumakay sa elevator. Pinindot niya ang button ng elevator at akmang sasara na ito nang bigla namang may kamay na humarang sa gitna nito dahilan para bumukas muli ang elevator,

Nangunot naman ang noo niya dahil doon ngunit mas nangunot at nainis pa siya nang makita kung sino ang babaeng hinarang ang kamay sa elevator,

"ikaw na naman?" 
"you na naman?"

Sabay na bulalas nilang dalawa. Akmang lalabas naman siya ng elevator nang pindotin ni Samantha ang close button ng elevator.

"tsk" agad na bulalas niya saka lumayo ng kaunti sa babaeng conyo magsalita,

"what are you even doing here?" tanong niya sa babae,

"it's none of your business" mataray na tugon nito, napaismid naman siya saka pinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa,

"as if I'm interested in you" bulalas niya na agad namang tinugonan ng babae,

"why? hindi ba true?"

Napaasik naman siya saka hindi makapaniwalang tiningnan ang babae,

"mataas ang standards ko sa mga babae Ms.Cazarza. Kahit ikaw pa ang natirang babae sa mundo, hindi kita papatulan" ani niya dito,

"what are you even doing here?" tanong ng babae sa kaniya,

"None of your business" panggagaya niya sa sagot nito nung siya pa ang nagtatanong nito,

Agad naman silang nagulantang nang biglang huminto ang elevator at namatay ang ilaw doon.

Napapikit naman siya sa sobrang inis nang maalala na ngayon ang monthly maintenance ng elevator,

"what the..." bulalas niya, agad naman niyang nilingon ang babae na agad na nag panik at lumapit sa pinto ng elevator at pinaghahampas ito,

Napabuga naman siya ng marahas na hangin saka napahilot sa bridge ng ilong niya,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon