KABANATA 26

100 6 1
                                    

WARNING: MATURED CONTENTS AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK. YOU HAVE BEEN WARNED.

NAKAUPO si Samantha sa gilid ng kama ni Edgar. Nandito ang mga kasama nila sa pagsusuntokan kanina, hindi ito makapagsalita, walang emosyon ang mukha at hindi pa din ito nakapag-bihis,

Tiningnan niya si Bruno saka tinangoan, tumango din si Bruno saka lumapit kay Samantha

"Miss? ihahatid na kita sa inyo, kailangan mo magbihis. Kailangan mo din po ng sapat na tulog, may pasok ka pa po bukas," rinig niyang sabi ni Bruno, umiling si Samantha habang hawak pa din ang kamay niya,

"we need to let your pamilya know about this thing. Report it sa police, Bruno. Bakit wala pang pulis na lumalapit to us?" tanong ni Samantha,

Lahat sila na naroon ay nagkatinginan, nagpapalitan sila ng mga tingin saka sila sabay na bumuntong hininga, nagbaba ng tingin si Edgar ng tingin sa kamay ni Samantha na nasa kamay niya,

"leave us alone," utos niya sa mga naroon, tumango ang mga naroon sabay kuha sa mga coat na basa coat rack sa hospital,

"Tatawagan ko nalang kayo kapag magme-meeting na tayo," ani ni Edgar  sa kanila, tumango sila saka nagpaalam  sa dalawa,

Nang silang dalawa nalang ang natira ay agad siyang bumuntong hininga saka nagsimulang magpaliwanag kay Samantha,

"My family can't know that I am here...most especially the police," panimula ni Edgar, nilingon naman agad siya ni Samantha,

"what? why not? kailangan malaman ng family mo, Edgar. Lalo na nung mga police, that car-nappers deserves to be in jail!" galit na sabi nito sa kaniya, marahan siyang tumango saka hinawakan ang kamay ni Samantha,

"I know, I know," kalmadong sabi niya kay Samantha na bumuga ng marahas na hangin,

"the thing is..." pambibitin niya, nagbaba siya ng tingin. Nagdadalawang isip si Edgar kung sasabihin niya ba kay Samantha ang bagay na iyon, lumunok siya at umiling,

"my family is kinda busy...they can't know what happened to me, they will get very worried to me and I might disturb them, Wag na din natin sabihin sa mga pulis, babalikan lang tayo ng mga iyon, madadamay pareho ang mga magulang at pamilya natin, Samantha."

Bumuntong hininga si Samantha saka inis siyang tiningnan, "bakit kasi nakipaglaban ka pa sa mga jerks na iyon! You know they are gangs right? why are you fighting with the freaking gangsters? yan tuloy! na hospital ka!" galit pa na dagdag nito, marahan siyang tumango at pinanood si Samantha na galit na tumayo,

Akmang magsasalita naman siya nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang galit na galit na kapatid niya na si Earl,

"you, fucking idiot!" tawag ni Earl sa kaniya saka siya agad na nilapitan at agad naman siyang dumipensa nang akma siyang susuntokin nito,

Agad siyang sumilip sa braso niyang nakatabon sa mukha niya nang walang dumating na suntok sa mukha niya, nakita niya si Earl na siyang galit na binaba ang nakaamba na suntok sa kaniya,

Tumingin din siya kay Samantha na magkakruss ang mga brasong nakaharap sa kaniya, pinagdu-dudahan niyang sinabi ni Samantha kay Earl ang lahat ngunit hindi naman sila gaanong close silang dalawa,

Narinig niyang bumuntong hininga si Earl kung kaya't napalingon siya sa kapatid niyang muli,

"Can you buy him medicine, miss Cazarza?" tanong ni Earl kay Samantha na tumango lang saka umalis sa kwarto na iyon,

"ano ba ang pumasok sa kokote mo at pumasok ka muli sa gang?!" galit na tanong ng kapatid niya sa kaniya, nagdikit ang mga labi niya saka hindi makatingin sa galit na kapatid,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon