KABANATA 62

127 4 3
                                    

One month in another place is like a lifetime for Edgar. He has been roaming around this city and he has been planning on how to execute his target. The wind of this city is making him sick.

He has his team, except for Peter. Una ay kinabisado nila ang mga lugar kung saan-saan pumupunta ang target. Kinabisado nila ang oras ng pagdalaw nito sa mga lugar at maging ang mga event na pupuntahan.

He has been preparing this mission for a month now. Hindi pa sila makagalaw nang mabilisan dahil sa dami ng tao sa paligid ni Mr. Yamashoto.

He's a big man when it comes to business. Alam niyang may taning ang buhay niya at may mga nagtatangka kaya naman kahit saan siya pumunta ay may nakapalibot sa kaniyang mga gwardya.

Napapagod siya ngunit kailangan niyang tapusin ang mission na iyon. Ngayon naman ay nakahiga lang siya sa kama niya habang nakatingin sa litrato nilang dalawa ni Samantha. His tears started to well up, sobrang nami-miss niya na si Samantha. Ni hindi niya alam kung gising na ba ito...o buhay pa ba.

Bawal sa kanila ang makipag-communicate dahil anumang oras ay maaari silang i-trace at kapag nangyari yun ay mawawala nang parang bula ang lahat nang plinano nila.

Bumuntong hininga si Edgar saka bumangon mula sa single bed na hinigaan niya. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo mula sa center table saka nagbukas ng isang beer.

Marahan siyang naglakad papunta sa balkonahe ng kwartong ni-rentahan nila. Umupo siya sa isa sa mga upoan doon saka binuksan ang beer gamit ang ngipin. Matapos non ay saka niya sinindihan ang sigarilyo saka hinithit iyon.

All these days, wala siyang ibang iniisip kundi si Samantha. Her smiles, her laughs, her smell...he misses it all. It feels like he abandoned Samantha...he feels like he is being a selfish boyfriend for not being able to be at his girlfriend's side when she needed him the most.

He looked up to the sky, he can hear the busy city of New York. The sound of the horns are everywhere and even the loud music from the bars reached his ears. Pero kahit ganoo kaingay ang paligid niya ay hindi mawala-wala si Samantha sa isip niya.

Gustong-gusto niya na matapos ang mission na 'to pero hindi siya pwedeng magmadali. Alam niyang malaki ang magiging damage kapag minadali niya ang lahat.

"Samantha Emily Cazarza" biglang sabi ng kung sino,

Napalingon siya sa likod niya saka niya nakita si Dominique na nasa hamba ng pintoan, umiinom ng alak at nakatongin sa malayo. Nangunot ang noo niya sa pagtataka kung bakit nito binanggit ang pangalan ng fiancée niya saka paano nito nakilala si Samantha.

Isa si Dominique sa mga miyembro ng team na kasama niya ngayon sa New York. Isang russian aspirant sa underground business o sa mafia organization nila.

"... she's your fiancée right?" tanong ni Dominique sa kaniya. Lumingon ito sa kaniya saka hinintay siyang sumagot. Bahagya naman siyang napaismid nang pumangibabaw ang russian accent ni Dominique.

"Yeah," tipid na sagot niya saka tumingin sa harap, "how did you know?" dagdag na tanong niya.

"Tsk. You announced it to the whole world." sagot ni Dominique sa kaniya. Uninom siya ng beer saka magkasunod na tumango.

"How was she? I am your fan, ya know. Race, race, love that shit." nakangising sabi pa nito sa kaniya, "that is why I was sad when they say that she fell into an accident. And it made me stunned to see you here, to be honest. I was expecting you to be with her but you are here...doing missions...and what's more shocking is that you are part of the mafia organization."  mahabang paliwanag nito saka umupo sa upoan malapit sa railings.

Mapakla siyang natawa saka tumingin sa bote ng beer, "If I only have choice...I would rather see and be with her than to kill." sagot niya saka nilagok ang huling beer na nasa bote.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon