KABANATA 20

104 6 6
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Edgar para ipagluto ng breakfast si Samantha. Dinagdagan niya na din ito ng soup nang sa ganoon ay magkagana itong kumain,

Matapos niyang magluto ay dumeretso siya sa banyo ng rest house niya at naligo, matapos niyang maligo ay nagbihis siya at nag-iwan ng note para kay Samantha,

Kailangan niyang maging maaga sa opisina dahil marami silang meetings sa ngayon, ramdam din ni Edgar na mabigat ang pakiramdam niya at panay ang singhot niya dahil sa sipon,

Nag-iwan na din siya ng mensahe kay Samantha, tinawagan niya si Bruno para utosan itong ihatid si Samantha mamaya sa school, pinabili din niya si Bruno ng mga bagong damit na sosoutin ni Samantha,

Habang nagmamaneho siya ay panay ang singhot niya, ito na yata ang resulta ng pagsayaw-sayaw sa ilalim ng malakas na ulan,

Nagdadasal siya na sana ay hindi magkasakit si Samantha kagaya niya.

Napaismid si Edgar nang maalala ang nangyari kagabi, Samantha is wild. He can say that, hindi niya inaasahan na ito ang mangunguna, syempre ay ginusto niya iyon, ngunit dahil nga nanliligaw pa siya ay nirerespeto niya si Samantha,

Bago tuloyang may mangyari sa kanila kagabi ay ilang beses pa siyang nagtanong kay Samantha kung sigurado ba ito, ang sagot ni Samantha ay laging oo,

"What time is the meeting, Lin?" tanong niya nang makarating na siya sa office niya, saka niya hinubad ang coat at pinatong iyon sa sandalan ng swivel chair, umupo siya doon saka kinuha ang tab para makita ang schedule,

"9 am po, sir" sagot ni Lin, tumango naman siya habang nakatingin pa din sa sched tab,

Napahawak naman siya sa noo nang makaramdam ng sakit doon. Mukhang napansin naman iyon ni Lin dahil agad itong lumapit sa kaniya saka kinapa ang noo,

"mainit ka," bulalas nito, "okay ka lang ba? ano't nagkalagnat ka?" sunod-sunod na tanong nito, umayos siya ng upo saka nilagay ang sched tab sa lamesa,

"I'm okay," ani nito sa sekretarya saka pumeke ng ngiti, "Hand me the documents para mamaya, I'll ty to review it." utos nito,

Sinadya niya iyon upang hindi na magtanong si Lin. Totoo ngang masama ang pakiramdam niya, kanina pa nang magising siya, sobrang bigat ng kaniyang ulo saka kaunting galaw ay napapagod na siya,

Napilitang tumango si Lin saka kinuha ang document na inutos niya. Agad siyang huminga ng malalim saka tiningnan ang cellphone, naghihintay siya ng update mula kay Bruno,

Nilapag niyang muli ang cellphone saka agad na napatingin sa pinto nang bumukas ito saka nito niluwa si Lin kasama si Efren,

Napakunot naman ang noo niya dahil don, inabot ni Lin sa kaniya ang hinihingi niyang document saka tiningnan ang kapatid, binigyan niya nang malahulogang tingin si Lin na bahagyang yumuko saka umalis sa opisina; ang tingin na iyon ay hugyat na gusto niyang makausap mag-isa ang kapatid,

"what do you want?" tanong niya dito, umismid naman ito bago umupo sa sofa at komportableng pinatong ang dalawang paa sa center table,

"Hindi ka umuwi kagabi, where have you been?" tanong nito sa kaniya, nilapag niya ang document saka tumikhim muna,

Ayaw niyang mapansin na hindi maganda ang pakiramdam niya, umayos siya ng upo saka tinanggal ang unang dalawang batones sa sout niyang polo,

"Sa rest house ako natulog, masyado akong ginabi dito," agad na palusot niya, tumawa naman ng bahagya ang kapatid niya saka nanunuksong tumingin sa kaniya,

Agad niya itong tinitigan, nagtataka siya kung bakit ito natawa "Liar," bulalas nito sa kaniya, napaayos naman siya ng upo saka tumingin sa kapatid,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon