KABANATA 13

111 9 4
                                    

NAKATULOGAN na ni Edgar ang paghihintay niya kay Samantha. Matapos niyang asikasohin ang isang bagay ay bumili pa siya ng milktea at burger,

Sa sobrang pagod ni Edgar ay halos oras ang ginugol niya sa pagtulog. Samantala, pumasok naman sa isip niya ang mukha ni Rebecca, biglang bumalik sa alaala niya ang dati,

Noong mga panahon na masaya at wala pa silang problema ng kapatid niyang si Erlane, nakangiti si Rebecca sa kaniyang panaginip kung kaya't bigla niyang naramdaman na miss na miss niya na si Rebecca,

Nakarinig naman siya ng boses, at nakaramdam din siya na bahagya siyang yinuyugyog, ginigising siya ng kung sino,

Bahagya niyang minulat ang kaniyang mga mata at nakita niya agad ang isang labi, sa isipin na si Rebecca iyon ay bigla nalang niyang hinila ito papalapit sa kaniya saka wala sa sariling hinalikan ang labi na iyon,

Agad naman siyang nagising nang makaramdam ng isang malutong na sampal, mabilis siyang napabangon at napaupo,

Doon lamang niya napagtanto na at naalala na nakatulog na pala siya sa sofa ng salon kung saan nagpaayos si Samantha, at ang sumampal sa kaniyang makinis at magandang mukha ay walang iba kundi si Samantha,

"Nakakailan ka na ng kiss to me ha!" inis na sigaw ni Samantha bago nito inis na kinuha ang bag at galit na lumabas sa salon na iyon,

"Omg naman, dadsicle. Bat naman may pa ganoon..." hindi makapaniwalang tanong ng bakla na sa pagkakaalam niya ay Freddie ang pangalan,

"Shit" bulalas niya sabay hawak sa pisngi na humahapdi dahil sa pagkalakas-lakas ng sampal ni Samantha,

Marahan naman siyang tumayo saka lumabas sa salon na iyon habang hawak pa din ang mahapding pisngi,

Agad niya namang nakita si Samantha na umalis dala ang sasakyan nito, napabuntong hininga siya saka bumagsak ang mga balikat,

Lalo naman siyang nainis nang makitang lowbat ang kaniyang cellphone at wala sa kaniya ang charger,

Lumingon naman agad siya sa loob ng salon, makikihiram sana siya ng phone ngunit nakita niyang may katawag ang bakla kung kaya't mas lalo siyang nakaramdam ng inis,

"that...that was just a dream" pahina ng pahina na sabi niya, napahawak naman siya sa noo niya saka agad na napapikit,

Nag-angat naman agad siya ng tingin nang may sasakyan na biglang pumarada sa harap niya, nangunot naman ang noo niya nang makitang sasakyan ni Erlane iyon,

Bumaba naman ang bintana sa passenger's seat saka dumukwang doon si Erlane,

"Hop in" utos nito, walang emosyon siyang napatitig sa kapatid saka niya sinunod ang sinabi nito,

Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat saka siya sumakay nang hindi inaayos ang seatbelt,

Pinaharurot ni Erlane ang sasakyan habang siya naman ay nakasandal ang siko sa bintana at nakatingin sa labas,

"hindi ko nagustohan ang ginawa mo kay Rebecca kanina" sambit nito, hindi naman siya umimik at nanatiling nakatingin sa labas,

"Fasten your seatbelt you dimwit," inis na sabi nito, nagbaba naman siya ng tingin sa sarili saka inayos ang seatbelt, muli na naman silang natahimik pareho,

"How can you treat her like that?" tanong nito sa kaniya,

"I don't want to talk about it" tugon ni Edgar kay Erlane na mapaklang natawa,

"and why is that?" tanong nito,

"I just don't want to talk about that shit, Erlane. Mahirap ba intindihin yun?" naiinis na tugon niya kay Erlane na minsan siyang nilingon at natahimik,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon