KABANATA 6

129 9 0
                                    

NAUBOS ni Edgar ang pagkain na nasa lunch box. Hindi niya akalain na ganoon ka sarap iyon, maging ang paborito niyang fried chicken ay napaka crispy din at sobrang sarap.

"Sir?" rinig niyang tawag ni Lin mula sa labas, sinara naman niya ang lunch box at pinilit na lunokin iyon,

"yes? pasok Lin" utos niya saka tinabi ang lunch box.

"Time na po para sa visit niyo sa site," ani nito, tumango naman siya saka agad na kinuha ang cellphone at susi ng sasakyan, hinagis naman niya kay Lin ang susi na iyon,

"tell Jomar to be prepared, I'll be there in a minute or two...bibili lang ako ng soda" ani niya kay Lin,

"do you want me to buy the soda for you sir?" tanong nito, umiling naman siya saka tinuro ang lunch box,

"wash them for me, ibabalik natin yan kay Ms.Cazarza mamaya sa contract signing" ani niya, tumango naman si Lin sa kaniya saka kinuha ang lunch box habang siya naman ay lumabas sa opisina at dumeretso ang lakad hanggang sa elevator,

Tiningnan niya ang wrist watch niya at ilang minuto nalang ay aalis na sila papunta sa site. Inayos niya ang sarili niya saka agad na lumabas sa elevator nang bumukas ito,

Agad naman siyang binati ng mga empleyado na makakasalubong niya habang siya ay tango at ngiti lang ang maitutugon,

Hindi pa man siya tuloyang nakarating sa vending machine kung saan niya plano bumili ng soda ay agad niyang nakita ang isang piloto na siyang sana ay hindi niya makasalubong sa ngayon,

Bumuntong hininga siya saka pasekretong nailing. Pinipilit niyang umakto na animong wala siyang nakitang tao,

Lalagpasan na sana niya si Timothy nang tawagin naman siya nito, natigil siya sa paglalakad at napilitang harapin ito,

"what?" tanong niya rito, humarap din si Timothy sa kaniya saka inayos ang tayo ng maleta nito,

"Long time no see, Sevida" anito, hindi naman siya tumugon at nanatiling nakatingin sa piloto na siyang tumatawa habang tinatanggal abg shades na sout nito,

"Balita ko...natalo ka daw ng girlfriend ko?" animong nang-iinis na sabi nito, nag umigting naman ang panga niya saka nginitian si Timothy,

"so she's your girlfriend" aniya niya, nagulat naman siya nang iyong mga katagang iyon ang lumabas sa bibig niya, bagama't gulat sa sarili ay pinilit na hindi ito ipahalata,

"yes, soon..." kampanteng sagot nito dahilan para mapakla siyang natawa saka nagbaba ng tingin,

"you never changed, Timothy. You're funny" natatawa at iiling-iling na sabi niya kay Timothy dahilan para takha siya nitong tingnan, 

"you're overconfident" ani niya saka tinapos ang pagtawa saka nilapitan si Timothy tinapik ang balikat nito,

"Be careful, Timothy. I might steal something important to you...again" pagbabanta niya dito, umamba naman ng suntok si Timothy sa kaniya,

Tiningnan niya ang kamao nito na nanatili sa ere saka siya pasekreto na tumingin sa paligid, napaismid siya nang makitang may nakatingin, hinawakan naman niya ang kamao ni Timothy saka marahan iyong binaba,

"there, there" aniya habang binababa ang kamao ni Timothy saka binulongan ito,

"maraming nakatingin Timothy, ingat ka" bulong niya saka ito nginitian ng pagkatamis-tamis at tinalikuran ito,

Ramdam niya ang matalim na tingin ni Timothy sa kaniya ngunit mas lalo siyang ginanahan doon, nagpatuloy siya sa paglakakad saka agad na naghulog ng barya nang makarating siya sa may vending machine,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon