KABANATA 23

97 6 0
                                    

NANG MATAPOS silang mananghalian ay bumabyahe na sila papunta sa mansion nila Samantha, sa gitna ng byahe ay bigla siyang kinausap ni Samantha,

"you know what? I think it's not a good idea to say sorry to my parents for now, maybe they'll get galit and they will think that you are courting me," mahinahon na sabi ni Samantha,

Napalingon naman siya kay Samantha saka muling binalik ang tingin sa daan.

"Am I not courting you?" nakangiting tanong niya kay Samantha na halatang nagulat sa sinabi niya, napalingon siya dito muli saka siya natawa,

"Don't tell me that you've forgotten that I'm courting you," natatawang biro niya kay Samantha na natawa din,

"I know...but I think now is not the right time to tell them..." nag-aalangang sabi ni Samantha,

"why?" tanong niya kay Samantha saka hininto ang sasakyan nang mag stop sign ang traffic light, "dapat nga sa kanila ako unang nagpaalam eh," ani niya kay Samantha saka nginitian ito,

Napansin naman niya ang pagkabalisa ni Samantha. Tumikhim ito saka nag-aalangang tumingin sa kaniya,

"Actually...there's one thing I should tell you" ani pa nito, napatitig siya kay Samantha saka hinintay itong magsalita,

"what is it?" tanong niya nang mapansin na nag-aalangan itong sabihin ang kung ano mang sasabihin sana nito,

"I think we should stop seeing each other," ani nito, nawala naman ang ngiti niya sa mukha at napalitan ito ng pagtataka,

"what?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Samantha na napalunok lang at napaiwas ng tingin, "what happened?" takhang tanong niya kay Samantha,

Ang totoo ay natakot siya sa sinabi ni Samantha. Ayaw niyang mangyari iyon,

"did I do something that upsets you?" tanong niya kay Samantha na umiling-iling lang, hindi ito makatingin sa kaniya,

"No," tipid na sagot nito, lalo namang nangunot ang noo niya,

"or is it Rebecca? did she say something to you?" tanong niya pang muli kay Samantha na umiling-iling muli,

"Rebecca has nothing to do with this," sagot naman nito, humarap naman siya kay Samantha habang ang isang kamay ay nakahawak pa sa steering wheel,

"then what happened, Samantha?" hindi mapigilang tanong ni Edgar kay Samantha na hindi makatingin sa kaniya,

"what did I do?" tanong na naman niya, humarap sa kaniya si Samantha saka siya kinausap,

"there's nothing wrong with you, Edgar. It's about me," ani ni Samantha, nangunot naman lalo ang noo niya,

"Samantha..." hindi niya na natapos ang iba pa niyang sasabihin, napatingin siya sa harapan saka pinaandar ang sasakyan nang marinig niya ang busina mula sa sasakyan na nasa likod,

"I don't understand," agad na sabi niya habang nagmamaneho, "why? bakit tayo titigil, Samantha?" tanong niya kay Samantha na bumuntong hininga lang,

"at least give me an acceptable reason, nang matahimik ako," dagdag pa niya,

"I don't deserve you," tanging sabi nito dahilan para mainis siya,

"what?" tanging bulalas niya, "You don't deserve me? what kind of reason is that, Samantha?"

"Marami namang ibang girls out there that are way better than me, There are girls that are not conyo mag salita, there are girls na nag-p-pray sa pitong gods just to have you, Edgar. So let's just stop this,"

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon