KABANATA 14

115 9 7
                                    

"I'LL catch you, then" ani niya kay Samantha na natigil sa pagsakay sa sasakyan. Marahan itong lumingon sa kaniya saka ito natawa,

"don't fool me, We both know that you're still into Rebecca" ani ni Samantha sa kaniya, hindi siya nakasagot at nanatiling nakatitig kay Samantha na siyang pinamuohan ng luha sa mga mata,

"See? hindi ka nga makasagot" anito saka agad na pumasok sa sasakyan, nanatili naman doon ang titig niya hanggang sa makaalis si Samantha,

Napalunok si Edgar at nahirapan na i-proseso sa kaniyang isip ang sinabi ni Samantha,

"...We both know that you're still into Rebecca"

Napahawak siya sa noo niya saka nakapameywang na humarap sa tanawin. Galit siya sa sarili niya dahil hindi niya maintindihan ang gusto niya,

Hindi niya alam ang gagawin niya, hindi niya alam kung ano'ng tunay na nararamdaman niya.

He likes to be with Samantha, she's fun to be with. Natatawa siya sa pagiging conyo nito at nagbibigay iyon ng saya sa puso niya,

Samantala, si Rebecca naman ay nagpapasaya din sa kaniya, bagama't hindi niya pinapakita ay sumasaya siya kapag nakikita si Rebecca, maliban doon ay nakakaramdam din siya ng galit, lungkot, sakit, at pagsisisi tuwing nakikita si Rebecca,

Gusto niyang mag move-on na sa lahat, kalimutan ang lahat ng tungkol sa kanila ni Rebecca ngunit gusto niya ring balikan ang mga iyon,

Napabuga ng marahan na hangin si Edgar saka siya tumingala sa kalangitan. Nagkikislapan ang mga bituin, malamig din ang hangin ngunit ang buwan ay hindi niya batid kung nasaan,

Napayuko siyang muli at agad na natigilan nang biglang pumasok sa isip niya ang ideya na kausapin si Rebecca,

Napasigaw siya sa sobrang inis nang maalala na naiwan pala niya ang cellphone niya sa bahay,

Lumapit din agad siya sa guard at humiram ng cellphone para tawagan si Bruno,

"Hey," bati niya kay Bruno na umungol, halatang bagong gising,

"Yes?" tanong ni Bruno sa kaniya na narinig niya pang naghikab,

"can you pick me up at my rest house?"

"Rest house number?" tanong nito,

"Rest house number 402" sagot niya,

"Alright, sir. I'll be there" ani nito, tumango naman siya saka agad na binaba ang tawag at binigay muli ang cellphone sa guard,

Pumasok naman muna si Edgar sa may kalakihang kubo na naroon, agad niya itong binuksan saka niya nilibot ang loob noon,

Matagal-tagal na din simula nung huli niyang bisita dito. Minsan ay dito pa siya natutulog lalo na kapag pagod siya sa eskwela, dito niya rin dati dinadala si Rebecca...

Muli niyang naalala si Rebecca, kumbinsido siyang kausapin si Rebecca bukas at tanongin tungkol sa mga bagay-bagay,

Hindi nagtagal ay sinundo na siya ni Bruno, habang nasa byahe ay naalala niya din ang ginawa ni Samantha kanina sa daan, pasekreto siyang napangisi,

Nang makarating sila sa bahay nila ay dumeretso na agad siya sa loob ng kwarto at natulog.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising, habang nagbibihis siya ay tinatawagan niya si Rebecca na ilang ring pa bago nasagot ang tawag,

"Hello, this is Rebecca Storm" pagpapakilala nito, "how may I help you?" tanong nito sa kaniya, natigilan siya at napalunok, tumikhim naman siya saka nagsalita,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon