KABANATA 47

78 6 1
                                    

"WHERE are you taking me?" tanong ni Samantha sa kaniya, matapos ang photoshoot nila ay mabilis siyang hinila ni Edgar palabas.

"I'll take you home." tanging sagot niya sa tanong ng nobya niya,

"Edgar-" tawag pa nito sa kaniya ngunit hindi na ito nakapalag pa nang pinasok na niya si Samantha sa sasakyan na siyang dinala nito,

Agad na hinagis sa kaniya ng driver ang susi ng sasakyan at bahagyang nag bow sa kaniya, tumango naman siya saka tinanggal ang tie na sout habang naglalakad papunta sa driver's seat,

Nang makapasok naman siya sa sasakyan ay hindi na siya nag abala pang magsout ng seatbelt, agad na siyang humarurot paalis.

"where are you taking me ba?" tanong ni Samantha sa kaniya, pinatong naman niya ang kaniyang siko sa may bintana habang ang kamay ay nasa baba, nagmamaneho siya gamit ang isang kamay,

"Home." tipid na sagot niya,

"A-Ano? why...why would bring me there ba? what's your problem?! saka...ang lakas ng pagpapatakbo mo, Edgar! wala tayo sa track!" inis na sigaw nito sa huli,

"You have to pack your things." sagot niya pa habang nagmamaneho, "we don't have enough time. We need to be there as soon as possible."

"Tsh, if you're in a rush to kick us out, don't worry, kusa kaming aalis ni Nilda at matutulog sa lansangan tonight. Psh, can't wait to get rid of me huh? for what? para makasama mo na ang bago mong girl?" naiinis na tanong sa kaniya ni Samantha,

Nangunot naman agad ang noo niya saka mas lalong binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan.

"What? you think ganyan akong klase ng lalaki, Samantha?"

"hmp, don't know. What else is the reason ba why you broke up with me? hmm?" malditang tanong sa kaniya ni Samantha dahilan para mas lalo siyang magtaka,

Hindi na siya nagsalita pa dahil sakto ding nakarating na sila sa bahay nila kaya naman nang mai-park ang sasakyan ay mabilis na umalis si Samantha at nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay.

Inis naman niyang hinampas ang manibela saka siya paulit-ulit na bumuntong hininga. Ngayon ay nalilito na siya kung papaano niyang ipapaliwanag kay Samantha ang pagpapatago niya dito sa isla niya,

Muli siyang bumuntong hininga saka tinanggal ang seatbelt at lumabas sa sasakyan, pumasok siya sa kabahayan at sakto ding nakalabas na sina Nilda at Samantha bitbit ang dalawang malaking maleta, kunot noo naman niyang tiningnan ang mga maletang iyon,

"That quick?" tanong niya,

"Oo, ikaw ba naman paalisin ng bonggang-bongga, hindi ka ba mag-iimpake ng mabilisan at bonggang-bongga" mataray na sagot ni Samantha sa kaniya,

Tumitig lang siya kay Samantha na magka-kruss ang mga brasong nakatingin sa kaniya, "actually nagplano na talaga kaming umalis. Kaya naging mabilis ang pag-impake namin. Kaya don't worry, we're out of here." ani pa ni Samantha sabay kuha sa malaking maleta at lumampas sa kaniya,

Bumuntong hininga siya saka liningon si Samantha na nakahawak na sa door knob.

"Samantha," tawag niya dito, "would you give me 5 minutes to explain?" pakiusap niya kay Samantha,

Tinitigan siya ni Samantha saka ito bumuntong hininga at tiningnan si Nilda na agad ding naintindihan ang tingin ni Samantha sa kaniya, umalis si Nilda dala-dala ang dalawang malaking maleta nila.

"Go," tipid na sabi nito,

"I'm not going to kick you out 'cause we broke up. Pinapaalis ko kayo dito kasi delikado,"

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon