KABANATA 16

100 7 4
                                    

NANG matapos si Cherry sa pag-ihi ay dumeretso ang lakad nila papunta sa restaurant kung saan sila kakain,

Agad silang inalalayan ng manager na siyang sumalubong sa kanila sa entrance. Binilin niya kasi sa manager na kung pwede ay walang makakaalam na narito sila ngayon, lalo na't nasa mall pa sila,

Alam niya ding maraming gustong lumapit sa kaniya mula kanina pa, ngunit hinaharang iyon ng mga guards nila,

Nakapasok na sila VVIP room na pina reserve nila. Naroon na din ang mga pagkain kagaya nang binilin niya sa waiter,

"wow!" agad na bulalas ni Cherry nang makapasok sila, bahagya naman silang napangiti ni Samantha,

Pinaghila naman niya nang upoan si Samantha, ganoon din ang ginawa niya kay Cherry na siyang malaki ang ngiti sa kanilang dalawa,

Nagsimula na silang kumain at habang kumakain ay panay ang tanong ni Cherry sa mga bagay-bagay na tungkol sa eskwela habang si Edgar naman ay nanatiling tahimik at pinapakinggan at pinapakiramdaman ang paligid,

Natapos din ang pagkain nila, pareho niyang pinauna sa paglabas ng mall sina Cherry at Samantha samantalang siya naman ay nagpalusot na may bibilhin lang,

Nagbayad siya una sa restaurant pagkatapos ay naghiwalay na sila ng daan nina Samantha at Cherry.

Agad siyang nilapitan ng isang guard, at binalita sa kaniya ang mga napansin nito,

"there was a sniper pointing at you at your three o'clock, stay still, sir" kalmado na sabi ng guard niya.

Napalunok naman siya sa sobrang kaba, bagama't hindi niya pinahalata ang sobrang takot at kaba niya, hindi para sa kaligtasan niya ngunit para sa kaligtasan ng mga taong nasa paligid niya at lalo na kay Samantha at sa bata,

"no worries, sir. Papunta na si Bruno sa location kung nasaan yung sniper" ani nito,

"what about Samantha and Cherry?" tanong niya sa guard niya,

"they're fine sir, nasundan sila ng mga kasamahan ko" ani pa nito, tumango naman agad siya saka agad na naalarma nang biglang hinawakan nh guard ang ear piece na sout nito, tumango ito saka humarap sa kaniya,

"We're all clear. Nasa kamay na ni Bruno ang sniper" ani nito, tumango naman agad siya saka nagpaunang lumakad paalis,

Samantala ay may bigla namang sumalubong sa kaniya na babae na may dalang poster niya, siya iyon nasa sasakyan, lumalabas mula sa binatana.

"please! kahit pirma lang po!" sigaw na pagmamakaawa nito, lumapit naman ang guard niya sa kaniya saka sinubukang ilayo ang babae ngunit nang makaramdam ng awa ay agad niyang pinigilan ang guard at saka nakangiting kinuha ang poster at pinirmahan iyon,

Pumayag din siya na magpa litrato sa babaeng iyon, meron ding iilan na lumapit sa kaniya at nung dumami na nang dumami ang mga magpapapirma ay agad siyang hinila ni Bruno na naroon na pala sa likod niya,

Hinila siya nito paalis doon saka sila nagtatakbo papunta sa elevator ng mall.

"geez, that was close" bulalas niya saka bumuntong hininga at natawa nalang nang sinubukan ng mga fans na makapasok sa elevator na sinasakyan niya,

"anong that was close? yun na talaga sana yun. Dinumog ka na sana ng mga iyon" bulalas pa ni Bruno at nagulat siya nang bigla nitong pindotin muli ang elevator papunta sa pinanggalingan nila,

"wha—" akmang tanong niya kay Bruno na agad siyang inabotan ng isang paper bag,

"magbihis tayo, I'm sure bumaba ang mga fans mo para salubongin ka sa elevator" ani ni Bruno, agad naman siya nitong inabotan ng jogger at yellow na hoodie,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon